Chapter 1.3
Change Of POV ~ Kiraro Mishimura
Hiroshi. Tulungan mo ako. Isang maliwanag na nilalang na naman ang nakita ko. Hindi ko na kaya to.
Pumunta ako sa kusina para magluto. Kinuha ko na yung kutsilyo at hiniwa ang mga karne ng baboy ng pira-piraso. May dugo. (*u*) Yihihihi. Kaya gustong gusto kong maghiwa ng karne eh. May dugo kasi. Yihihihi.
"May dugo.. May dugo. Natapon ang dugo sa kamay ko. Kinuha ko ang dugo at pinagmasdan ito.. Ang cute pala ng dugo dugo na ito." Kinanta ko pa yan ah.
"Anu namang kanta yan aber?"
"Ay anak ka ni Hiroshi at Josephine!!" Nagulat ako nang biglang magsalita mula sa likuran ko si Auntie.
"A-auntie??"
"Yes darling.. Your auntie Qieralyn is here. Miss me?" Sabay lapit sa akin at niyakap ako.
Ahhhh!! Gumanda si Tita. Ahhh!!!
Ang sakit sa mata! Ang sakit sa mata! Liwanang ! Liwanag!
"Ayos ka lang ba Kira? Anong nangyayari sa'yo?"
Ahhhhh!!! *Nosebleed*
"Kira!! Anu ka ba namang bata ka!"
Pagkatapos nun eh nagblack out na lahat sa paligid ko.
Forward»»»»
Iminulat ko ang aking mata.. At.. At.. At..
*Nosebleed*
Ang liwanag! Mamamatay na ako!! Paalam na mahal kong Josephine, Hiroshi, at Weyne. Mahal ko kayo.
"Auntie Qiera? Anu pong nangyari sa kanya? Tska bakit ganyan po ang suot niya?"
"Oo nga po auntie. Para siyang si Sadako."
Napapaligiran na ako ng mga gwapong nilalang. Ang liwanag! Ahhh!
*Nosebleed ulit*
"Baka naman maubusan na yab ng dugo auntie ah?"
"Naku. Kayo nang bahala sa kanya ah? Osiya aalis na ako."
Agad akong napatayo at inilibot ko ang mata ko sa buong paligid.
Ang liwanag!! Hiroshi!! Tulong!!
"Bright! Arghhh! Ahhh!" Sabay alis sa pagkakahiga ko doon at karepas takbo sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomanceMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...