Chapter 3.2 ~ Fiona's Revenge (The transformation of Kiraro Part 2)
Kiraro Mishimura Point Of View
All this time,iniisip ko parin yung nangyari kanina, hindi parin maalis sa isip ko yun. Argh!
"Hiroshi~~~ Huhu." Kanina pa ako Hiroshi ng Hiroshi dito sa kwarto ko. Ay ewan.
*tokkkk* *tokkkk*
Grabe namang katok yan. -_______- Parang galit sa pintuan eh.
Binuksan ko yung pintuan at bumungad naman sa harap ko si Fiona. Hinila niya ang kamay ko dahilan naman para mapasunod ako sa kanya.
"T-teka Fiona.." Patuloy parin siya sa pagkaladkad sa akin.
"May pupuntahan tayo Kira. Basta sumunod ka nalang diyan."
"S-saan naman tayo pupunta?"
"Basta sumunod ka na nga lang. kulit ~" Wala akong nagawa kundi sundin na nga lang siya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko eh. Di ako makapiglas.
Lumabas kami ng bahay. Ahhh!~ Ang liwanag! Huhu. TT______TT
Hiroshi~~~ Tulong.
Hinila niya parin ako at naglakad kami hanggang dun sa tapat ng coffee shop na malapit lang naman din sa bahay namin.
Pumasok kami sa loob nung coffee shop. Hindi kami umorder, umupo lang kami dito. Sayang~ Gusto ko pa naman sanang umorder ng hot choco. T^T
Si Fiona mukhang may minamasdan, kaya tumingin din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. O______O
Sila Inigo, Blue, Silent at Xyrus yung nakita ko. Kaya naman inalis ko g tingin ko sa kanila at kinuha yung menu at itinago yung mukha ko. Napansin ko namang tumawa ng mahina si Fiona. Baliw lang?
Change Of POV ~ Silent Gerard Hernandez
Nasa coffee shop kami ngayon. Sabi kasi ni Fiona eh dito daw madalas tumambay at magpalipas ng oras yung Clyde.
Nakita namin sila Kiraro at Fiona na pumasok dito sa shop.
"Bakit nandito yung babaeng yun?" Tanong ni Inigo
"Sino? Si Fiona o Kiraro?"
"Si Kiraro. Tska bakit ganun yung suot nun? Ang baduy. Parang kagagaling lang sa burol eh." Pinukpok ko naman yung ulo ni Inigo. Kahit kelan napakasama ng ugali eh.
"Aray naman! Para sa'n yun?!" Galit na tanong niya. Hindi ko siya pinansin at hinintay ko lang na dumating yung Clyde.
Nga pala, si Clyde eh naging classmate ko dati nung grade 6 ako kaya kilala ko siya at kilala niya rin ako. Ang balita ko eh ampon raw yan si Clyde kaya siguro hindi siya masyadong nabibigyan ng pera ng mga umampon sa kanya. Yung company na pinagttrabahuhan niya eh sa mga hindi niyang tunay na magulang.
Nakita kong pumasok na si Clyde dito sa coffee shop, pero may kasama siyang babae, magkaholding hands pa sila. Mukhang bago na naman yung gf niya kase hindi naman yan yung babaeng kasama niya sa company nila dati.
Umupo na sila Clyde dun malapit sa bintana. Good thing is hindi niya kami.napansin.
"Tara na Xyrus." Si Xyrus kasi yung magpapanggap na investor sa kumpanya nila Clyde. At shempre para maging mukhg makatotohanan ang lahat ng plano namin eh humingi kami ng tulong kay Auntie Qiera.
"Bakit kasi ako pa yung magpanggap?! Eh hindi naman ako.magaling diyan sa.mga acying acting na yan eh." Tapos nag pout siya. Putek. Parang bakla eh.
"Oo nga dapat ako nalang kasi yung magpanggap. Mukha pa naman din akong artistahin. Tsk." Pagmamayabang ni Blue sabay pogi sign. -_________- Banatan ko kaya tong isang to.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomantikMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...