Chapter 8: Through Ups and Downs

31.2K 395 11
                                    

May - Summer Before Junior year (Highschool)

Kakatapos lang ng training nila at paglabas ni Denden sa locker room nakita niya si Ella.

"Besh? Si Ly?" sabi ni Denden.

"Huh? Pagkatapos ng training nagmamadali umuwi" sabi ni Ella.

"Bakit daw? We're suppose to hang out today" sabi ni Denden

"Besh di kaya overly attached ka? I mean... Aly is not like you know, a full blown commitment kinda person. Baka naman masyado kang alam mo na..." sabi ni Ella.

"You think so?"

"I dont know. It just seems that you two always together and stuff. Pero Aly like you a lot so she really doesnt care how crazy kind of girlfriend are you..." sabi ni Ella.

"Ouch naman... Wala naman siyang sinasabi about sa ganyan." sabi ni Denden.

"Matagal tagal na din na kayo... Kailan mo balak sabihin sa parents mo?" sabi ni Ella at naglakad sila ni Denden papunta sa mga bleachers at nagusap muna bago umuwi.

"Yun na nga Besh. Parang ang unfair ko kay Ly. Super tanggap kami ng parents niya, super bait ni tito at tita. Lagi pa kong nagssleep over dun. Parang anak na nga din nila ako. Pero si Aly nakakapunta siya sa bahay pero feeling ko yun yung pinaka ayaw niyang lugar..." sabi ni Denden. "Naiilang siya sa parents ko. Super restricted kasi kami, super religious si mommy and daddy."

"Uhm... Besh, just in case. Malaman na ng parents mo... How will they react about this?" sabi ni Ella "Kasi c'mon... Nahuli lang kayo ni tito kaya kayo nakaamin. Panu kung mangyari din yan sa parents mo?" sabi ni Ella.

"Gosh! I dont know... I dont know about mom, mabait naman siya. Kaso I really dont know. But one thing is for sure... my dad will hate me." sabi no Denden. "Shit..."

"Shit talaga... Pero tandaan mo whatever happens Ako, si Jovee at si Aly nandito lang para sayo..." sabi ni Ella.

"Miss Lazaro?" sabi ni Mang Max kay Denden. Napatingin yung dalawa dun sa matandang Janitor "Pasensya na po kung nakaabala ako pero pinapasundo po kayo sakin ni Miss Valdez..." sabi ni Max.

"Oh? There we go... Lakas ng trip ni Ly" sabi ni Ella.

"Huh? Ayoko nga! Iniwan iwan niya ako dito tapos ganyan ganyan lang yun?" sabi ni Denden

"Wow..." sabi ni Mang Max.

"Bakit?" sabi ni Denden.

"Alam niya kasi na sasabihin mo yan kaya nagbigay siya ng note sakin..." sabi ni Mang Max at namula si Denden habang si Ella natatawa lang at sumangayon kay Mang Max. Binigay ni Max yung note at binasa ni Denden. Nakibasa na din si Ella.

Den please. I know you're going to be stubborn about this. Pero please sumunod ka na lang kay Max.

-Aly

"Nope. I wont" sabi ni Den at binalik niya yung note kay Max. Binigyan ulit siya ng Note.

Sabi ko na kailangan mo pa ng isang note. Please lang sumama ka na. May surprise ako sayo.

-Aly

"Na-uh!" sabi ni Denden. Binalik niya kay Max yung sulat at binigyan ulit siya.

Babe please! Napakatigas ng ulo mo! Please sumama ka na! I love you!

-Aly

Nabasa ni Ella at tumingin siya kay Denden. Di man niya aminin pero tuwangtuwa talaga siya sa relasyon ng dalawang to.

"She called me Babe? She never calls me that" sabi ni Denden at chineck niya ulit yung papel para nakasigurado. Nakita niya yung messy handwriting ni Aly. "Si Aly nga to... and She loves me" sabi ni Denden at namumula. Biglang inabot ni Max yung huling note.

Half A Heart (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon