Chapter 32: Love In Silence

22.6K 337 61
                                    

Author's Note: Finally! Woo! Sorry to keep you all waiting! Ito na ulit! Wont keep you for too long here ya go!

Happy Reads Lovelies! ;)

----

December - Sophomore Year ( College )

Niyaya ni Shiela si Aly magchristmas shopping at mas malala pa siya magshopping kesa kay Den at Ella. Nagsisimula ng makaramdam si Aly ng pagod.

"Love... Hindi ka pa ba tapos?" Sabi ni Aly habang sinusundan niya si Shiela. Meron ng 6 paper bags si Aly at mukang marami pang hinahanap si Bang.

"Love konti na lang..." sabi ni Bang at tumigil siya at lumapit kay Aly "Konti na lang ah? Pagod ka na? Akin na yan..." kinuha ni Shiela yung tatlong bag sa kaliwang kamay ni Aly at hinawakan niya yung freehand ni Aly. "Yan okay na?" Tumango si Aly at naglakad ulit sila.

"Love... Bili mo ko ice cream..." sabi ni Aly at nginitian siya ni Bang.

"Okay boss... Sandali na lang" Sabi ni Bang at pagpasok nila sa Department store naghanap agad si Aly ng upuan at mabilis siyang umupo. Pagtingin sakanya ni Bang napangiti na lang ito sakanya. "Aww pagod ka na talaga. Sige upo ka muna ah?" Bang kissed Aly on the cheek as she scans through the store.

Kinuha ni Aly yung phone niya at nagbasa ng text messages.

From Jovee: Ly later okay? Nagpaalam ka na ba?

Aly immediately typed a reply.

From Aly: Ako na bahala :)

From Jovee: Paalam ka muna! Under!

Napatawa si Aly at ngumingiting nagreply kay Jovee.

From Aly: Sinong Under?! Humanda ka sakin mamaya.

"Saya ah? Sino yan?" Sabi ni Bang at lumapit sakanya na may bagong dalawang bag.

"Si Jovee... Loko loko" sabi ni Aly at binalik na niya yung cellphone niya sa bulsa niya. "Ice cream time na ba?"

"Oo na pooo... Halika na, kawawa naman" sabi ni Bang at naglakad na sila ni Aly. As they walked its hard not to turn heads dahil sa suot ni Bang. Wow Legs talaga. So Aly draped her long arms on Shiela's shoulder. "Why?" Tinanong ni Bang dahil hindi naman naturally showy o mahilig sa PDA si aly.

"Nothing..." sabi ni Aly at naglalakad sila para makahanap ng ice cream parlor.

"Hmm nothing? Bakit bigla kang umakbay?"

"Masama? Girlfriend kita!" Sabi ni Aly at napatingin sakanya si Bang

"Oh bakit ka galit?"

"Sabi kasing wag magsuot ng ganyan..." sabi ni Aly at inalis niya yung kamay niya sa balikat ni Bang at nauna siyang naglakad at pumasok sa Ice cream shop.

"Hahaha... Love nagagalit ka ba sa akin dahil maganda ako?" Sabi ni Bang habang tumatawa at umupo na din sa tabi ni Aly. Tumingin lang si Aly sakanya at nagtatrums nanaman na parang bata.

"Vanilla..."

"Wow grabe. Kahit galit nakakaorder ng Ice cream?" Sabi ni Bang at tumingin si Aly sakanya. "Oh? Sorry na. Ito na nga. Ibibili na kitang ice cream okay? Wag ka na magalit" sabi ni Bang at tumayo siya at kinuha yung wallet niya. Habang nakapila si Bang nakatingin sakanya yung ibang crew nung ice cream shop.

Aly didn't like what's happening so kinuha niya yung wallet niya at tumayo. Lumapit siya kay Bang at nagulat na tumingin sakanya yung girlfriend niya

"Love-"

"Ako na. Umupo ka don" sabi ni Aly at pinaalis niya sa pila si Bang at tiningnan ng masama yung mga crew. Bumalik si Bang sa upuan niya habang nakangiti. She likes Aly but she likes Aly more when she's being possesive. Bang got her phone and took a picture of Aly na nakapila sa counter.

Half A Heart (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon