THAT could be considered as medical malpractice! himutok ko sa isip habang tumatakbo sa treadmill. nang maalala na "niresetahan" ako ng lalaki ng gastroenterologist ko.
Hindi talaga ako pala-gym na tao, eh. Kasi nga ayokong masyadong naglalalabas at ayoko ng maraming tao pero gusto kong patunayan sa doktor na iyon na hindi ko kailangan ng boyfriend para lang mabawasan ang stress levels ko at gumaling ako sa sakit ko. Kaya lahat ng stress-relieving techniques, handa akong patulan.
Nag-enroll na rin ako sa yoga class, inaral sa YouTube kung paano mag-meditate at ultimo aromatherapy pinatos ko kahit sensitive ang ilong ko sa striking odors. Gusto ko, kapag bumalik ako sa clinic ni Dr. Andres, puwede ko na siyang pagmalakihan na hindi ko sinunod ang "prescription" niya na kumuha ako ng lalaki para lang gumaling ako sa sakit ko.
"See, doc? Hindi ko kailangan ng lalaki para mabawasan ang stress levels ko at gumaling sa sakit ko. Because you know what? I never needed a man. And I will never need a man in this lifetime! Never!" Iyan ang sasabihin ko sa doktor kapag bumalik ako sa clinic niya nang wala nang symptoms.
Hindi ko matanggap na ganoon talaga ang tingin ng mga lalaki sa mga babae. Like love and romance is everything to us, women. Like love and romance is the only thing that could make women happy and feel fulfilled in life. And that our happiness depends on whether we'll be loved by men. That's total bullcrap.
Hindi naman ako man-hater. Hindi rin ako feminist. I just couldn't accept the fact that people can't seem to see women as self-sufficient individuals. Bakit kailangang ikabit parati sa pagkakaroon ng lalaking magmamahal at susuporta ang completion ng buhay ng isang babae?
Tumigil ako sa pagtakbo nang bumagal na ang andar ng treadmill. Nang tuluyang tumigil iyon ay nagpunas ako ng pawis at naglakad papunta sa fridge sa isang sulok ng gym na may lamang mineral bottled waters at Gatorade. Kumuha ako ng tubig at sa pagpihit ko, hindi ko alam na mayroon palang papalapit kaya nabangga ako sa isang katawan ng lalaki. Nabitiwan ko ang hawak kong bottled water at bumagsak iyon sa sahig.
Napatingin ako sa matangkad na lalaking nakabanggaan ko. in fairness, guwapo at hunk. Hindi sobrang puti pero hindi moreno. Mamula-mula ang balat at namimintig ang biceps. Mukhang nagbabad ng tatlong oras sa lat machine. Tumatagaktak ang pawis niya sa noo at basa na rin ang bandang dibdib ng manipis na sleeveless shirt na suot niya na may tatak ng isang kilalang signature sports brand.
Oo naman. Kahit hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, marunong din naman akong maka-appreciate ng male beauty. Hindi nga lang ako iyong tipong madaling ma-attract at nahuhulog agad ang panties kapag nakakakita ng guwapo.
"Sorry," sabi ng lalaki. "I didn't realize you'd spin around in that direction."
"Yeah. It's my fault. Sorry," pag-amin ko. Totoo namang dapat ay pa-clockwise ang ginawa kong pag-ikot considering the door of the fridge. Pero nag-counter-clockwise ako dahil naisip ko ang direksiyon ng locker room.
Bahagyang ngumiti ang lalaki. Tinapunan niya ng tingin ang bottled water ko sa sahig. "Let me pick it up." Umakto siyang dudukwang para pulutin ang plastic bottle pero pinigilan ko siya.
"No."
Dumiretso ng tayo ang lalaki para ibalik ang tingin sa kanya. "Huh?"
"Do you think I can't pick it up myself?" tanong ko sa laid-back na tono. "I have hands. And I don't need help from men." Pinulot ko ang bottled water ko at nilagpasan na ang lalaking nakaawang ang mga labi habang nakatitig sa akin nang daanan ko ng tingin.
Hindi ko alam kung sa kanya galing ang pagbuga ng hangin na nakaabot sa pandinig ko dahil hindi ko na siya pinagkaabalahang lingunin pa. Sa loob ng locker room ay umupo ako sa bench sa gitna ng pasilyo kung saan naroon ang locker ko at doon ko ininom ang tubig.
Napailing-iling ako nang may ma-realize sa nangyari kanina. Iyon 'yon, eh. Iyon ang dahilan kung bakit iniisip ng marami na hindi kayang mag-isa ng mga babae. Kasi kahit sa simpleng mga gamit na naihulog ng mga babae sa sahig, inaasahan nilang may lalaking pupulot ng mga iyon para sa kanila. Na para bang kay hirap pumulot ng maliit na mineral bottled water. Kahit nga 'yong five-gallon na mineral water, ako ang nagbubuhat para mailagay sa water dispenser ko sa bahay kahit hirap na hirap ako, eh.
Parang iyong lalaki sa bar na nag-alok na bibilhan ako ng drinks noong huli akong pumunta sa Nite Life. Nasanay na ang mga lalaki na bumibili ng drinks para sa mga babaeng nakikilala doon at ang mga babae naman, gandang-ganda sa sarili nila dahil may gumagastos para sa kanila.
May mali din kasi talaga ang ibang mga babae. Marami talagang mga pa-damsel in distress. Maraming gusto ng free ride. Ang hindi nila alam, sa kagaganyan nila, nabuo na 'yong notion na hindi nila kayang mabuhay nang walang lalaki sa buhay nila.
Parang ang mama ko. Wala pang isang taong walang asawa, kumuha agad ng bagong lalaki dahil bukod sa hindi niya kayang buhayin ang sarili niya at ako nang mag-isa, hindi niya kayang maging masaya nang walang lalaking magmamahal sa kanya.
I'm not like my mom. And I will never be like her.
Inubos ko ang laman ng bote at niyupi iyon using my grip. Kaya ko ngang warakin ito gamit ang kamay ko, ang pulutin pa kaya? Tumayo na ako at kinuha ang towel sa loob ng locker. On my way to the bathroom, inihagis ko ang yuping plastic bottle sa trash bin na naraanan ko.
BINABASA MO ANG
Status: Self-sufficient
ChickLitNOW PUBLISHED! AVAILABLE IN PRECIOUS PAGES BOOKSTORES! ***This is chick literature with a tad of romance*** ***Unedited*** I do not like calling myself "single." May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kan...