Part 18

1.1K 50 3
                                    


HABANG ginagawa ang finishing touches para sa album cover ng isang sikat na female singer, biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Kenneth a week ago nang makita ko siya sa Nitelife Bar.

"I go out on dates but I don't commit, not because I'm a player. I just haven't met that special girl. 'Yong babaeng gugustuhin kong makasama araw-araw at hindi ako mapapakali kapag hindi ko siya makita nang isang araw. 'Yong babaeng gugustuhin kong i-keep at ayokong maagaw ng iba. 'Yong babaeng ipagpapalit ko ang personal pleasures ko para lang sa kanya. I haven't found that girl yet. But I'm hoping to find her soon. Because I can't wait to fall in love."

I snorted. Akalain mo 'yon. Habang ako na babae ay hindi naghahangad ng pag-ibig, ang lalaking iyon ay walang habas na ipinagtapat sa akin ang secret desires of his heart. He's been trying to find that special girl who would make him fall in love but she isn't coming. He has been wanting to fall in love but he couldn't feel it despite all those casual dates with different gorgeous women.

Ano pa kayang hinahanap niya? Diyosa? Iyong wala ni isang flaw? Baka hindi tao ang hinahanap niya kaya wala siyang mahanap. Hindi ko itinanong kung ano bang hinahanap niya sa isang babae dahil baka isipin niyang interesado ako sa buhay niya.

But well, 'yong totoo, medyo naiintriga ako sa lalaking iyon. Parang hindi siya marunong mag-worry at hindi nakakaranas na ma-stress. And to my surprise, inamin ni Kenneth na atat siyang ma-in love at matagal nang gustong makilala ang Ms. Right niya.

Wala sa hitsura niya ang romantic kaya maniniwala ba ako sa sinabi niya? Baka gusto lang i-justify ni Kenneth ang fact na never siyang nagpatali sa kahit sinong babae at puro casual dating lang ang ginagawa. For all I know, baka commitment phobe iyon, ayaw lang aminin sa sarili at idinadahilan lang na hindi pa kasi siya na-i-in love.

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog at umilaw. Notification lang iyon sa Facebook Messenger kaya hindi ko pinansin pero nang magsunud-sunod ay napilitan akong ilapag ang stylus pen sa graphic tablet para damputin ang phone ko.

Kay Karla galing ang message. High school friend ko si Karla.

Yes, I used to have friends when I was younger. Nagkaroon ako ng friends noong high school at college pero at some point, nagkaroon kami ng so-called "friendship breakup na walang closure." Basta noong nagsimula akong mag-work habang nag-aaral, nawala na silang lahat. Sa ngayon, friends ko na lang sila sa Facebook pero sa totoong buhay, hindi na kami huma-hang out together.

All right, maybe it's my fault. Naging busy ako sa pagtatrabaho habang nag-aaral habang mine-maintain ang grades ko at nawalan na ako ng panahon para sa kanila. I never made an effort to reach out to them. Palagi akong busy kapag nagyayaya silang makipagkita at makipag-bonding. Kung hindi busy sa pag-aaral, busy sa trabaho. Kapag may free time, itinutulog ko na lang kaysa makipag-tsikahan. And that is how I lose friends, which I didn't mind though. Hindi ko naman talaga kailangan ng mga kaibigan since I am a solitary person.

Hi, Mau!

Are you busy?

Ask ko lang, are you coming... Nakalagay sa snippet ng message. Hindi ko na kailangang buksan pa ang message para malaman kung anong tinutukoy niya. Ang high school reunion.

Nagpakawala ako ng buntunghininga at ibinaba na ulit ang cellphone. Hindi ko pa rin alam kung pupunta ako sa reunion pero nag-wire na ako ng registration fee sa organizer. Nakasalubong ko kasi si Harlene nang pumunta ako sa Greenbelt two days ago at kinulit-kulit niya ako na pumunta. Umoo ako para lang lubayan na niya ako at nag-wire ako ng bayad sa kanya kahit hindi ko alam kung pupunta talaga ako. Iniisip ko na hindi man ako pumunta, at least ay may inambag ako para sa pondo ng event nila.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Dinampot ko iyon at nakita ang sumunod na message ni Karla.

Harlene said you just paid...

Napapikit ako. Sinabi ni Harlene kay Karla na nagbayad ako ng registration fee para sa reunion? Close na ba sila ni Karla ngayon?

Nakatanggap uli ako ng notification. This time, sa Facebook na mismo. May nag-tag sa akin sa post, si Sally—ang classmate kong FC sa lahat.

See you at the reunion next week! Can't wait!

Nanlaki ang mga mata ko dahil kasama ako sa almost twenty people na t-in-ag ni Sally sa post niya.

May notification ulit akong natanggap. This time, may nag-mention naman sa akin. Nag-comment si Gemma na naging classmate ko rin sa post ni Sally.

Wow. Pupunta si Maureen Salazar? Finally?

Finally daw, dahil dalawang beses nang nagkaroon ng small reunion dinner ang section namin noong fourth year pero hindi ako pumunta ni isang beses.

Yes! Sabi ni Harlene pupunta si Mau, comment ni Sally sa ilalim ng comment ni Gemma.

Shit. Mukhang ipinagkalat na ni Harlene na pupunta ako sa reunion!

Status: Self-sufficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon