Part 10

1.3K 56 7
                                    


HINDI ako sa bedroom ko sa bahay nagising ng umagang iyon kung hindi sa room na ipina-reserve ni Mama para sa akin sa venue ng kasal ni Sara.

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kisame. Hindi ako umuwi pagkatapos ng wedding reception? Bakit? Bakit doon ako natulog sa halip na umuwi? Tinamad ba akong mag-drive? Pero hindi. Kating-kati na akong umuwi bago pa mag-reception. Gusto ko na agad makaalis sa lugar na iyon kahapon kaya bakit ako nag-overnight doon?

Nang subukan kong bumangon ay nakaramdam ako ng kirot sa ulo. I squinted. Shit. Did I get myself drunk?

The reason why I limit myself to one glass of cocktail drink each day was because I do not really have high tolerance in alcohol. Walang maghahatid sa akin mula sa bar pauwi kung sakaling malasing ako.

Nasobrahan ba ako sa champagne kahapon? Ang alam ko, dalawang champagne glass na half-full lang ang ininom ko. Ibinaba ko ang comforter na nakakumot sa akin at kinapa ang sarili. Bath robe lang ang suot ko. Wala naman kasi akong balak na mag-overnight doon kaya hindi ako nagbaon ng pantulog.

Ang huli kong natatandaan ay nasa table ako kasama sina Lola Trining at mga amiga ni Mama. Bakit hindi ko matandaan ang mga sumunod na nangyari pagkatapos noon? Nalasing na ba ako nang time na iyon at pumuslit na ako at nagkulong sa room na ito hanggang sa hindi na ako lumabas dahil napasarap ako sa pagtulog? O inihatid ako ni Mama sa silid ko dahil nalasing ako?

Anong oras ba natapos ang wedding reception? Ang alam ko, five o' clock pa lang ng hapon noong pinag-usapan nina Mama at mga amiga niya ang tungkol sa future wedding ko. Inabot ko ang cellphone na nakalagay sa side table para tingnan ang oras. It's seven o'clock in the morning. Gaano kaya ako katagal nakatulog?

Nang muli akong kumilos ay ang tiyan ko naman ang naramdaman kong sumakit. What did I do to myself? Alam ko namang may sakit ako at bawal ang alcohol.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunud-sunod na katok. Pagsilip ko sa peephole ay nakita ko si Mama na may kasamang dalawang lalaking nakasuot ng putting uniporme sa likuran. Right. Doon din sa resort natulog si Mama. Ang alam ko, may private room din sila ni Tito Arthur. Baka pati ang ibang guests na gustong mag-overnight ay natulog din sa resort.

Hindi ko sana siya pagbubuksan dahil naka-bathrobe lang ako pero nakita kong may dalang tray ng food ang mga lalaki na siguro ay waiters. Hindi nakangiti si Mama nang mabungaran ko. Baka bad trip sa akin dahil naglasing ako kagabi.

"'Buti at gising ka na. Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Mama. Pinapasok nito ang dalawang waiters at inilapag ng mga ito ang pagkain sa maliit na bilog na table sa tabi ng French window ng silid.

Tumango ako. Ganoon ang tono niya kapag may ginawa akong hindi niya nagustuhan. Baka nga naiinis siya sa akin dahil sa halip na makilahok ako sa program sa reception ay naglasing ako at natulog.

"Pinadalhan kita ng breakfast at ng gamot sa hangover. Alam kong hindi ka kakain kasama ng ibang guests kaya pinahatiran na lang kita."

Ganoon na ba talaga ka-antisocial ang tingin sa akin ng mama ko at iniisip niyang ayaw kong makakita ng mga tao at all? Oh, well, kung kasama sina Lola Trining at mga amiga niya, mas prefer ko ngang kumain nang mag-isa at tago.

Nang lumabas na ang waiters ay isinara ni Mama ang pinto. Matalim ang tingin niya sa akin nang iabot ang gamot.

"Kumain ka na at uminom ng gamot."

Umupo na ako sa silya sa harap ng table. Dapat ay iinom pa ako ng gamot thirty minutes bago kumain pero gutom na gutom na ako at ramdam na ramdam ko ang excessive acid sa tiyan ko dahil nilagyan ko iyon ng alak kagabi. Kaya kumain na ako with gusto kahit wala pang toothbrush.

Status: Self-sufficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon