Part 12

1.1K 54 5
                                    


PAGLABAS ko mula sa locker ay nagtago ako sa pillar ng gym para silipin ang mga tao sa loob. Inisa-isa ko talaga dahil kung makikita ko ang taong ayaw kong makita, babalik ako sa locker para kunin ang bag at umalis.

Ayoko sanang bumalik sa gym na iyon dahil baka makita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko roon na walang iba kung hindi ang best man ni Luis pero sayang ang napakamahal na membership fee na ibinayad ko roon kung hindi ko na gagamitin at magpapa-member na naman ako sa ibang gym. Isa pa, iyon ang gym na pinakamalapit sa bahay ko. Ayoko nang lumayo pa.

Nakaramdam ako ng relief nang makitang wala roon ang lalaki. Monday. Iyon ang araw na napili kong pumunta sa gym na iyon dahil walang gaanong tao kapag Lunes. Biyernes ko nakita ang lalaking iyon sa gym kaya malamang na tuwing Friday iyon pumupunta roon.

Mapayapa akong gumagamit ng ab crunch machine nang makasalubong ko ang tingin ng isang lalaking mestizo na pumuputok ang triceps. Ginagamit niya ang triceps pushdown machine. Ngumiti siya sa akin pero nagkunwari na lang akong hindi ko siya nakita. Hindi ako pumunta rito para makipag-interact sa ibang tao.

Nang nasa treadmill na ako ay pumunta sa katabi kong treadmill ang lalaki. Nagkunwari ulit ako na hindi ko siya napapansin.

"Good morning, beautiful!" bati ng lalaki sa tabi ko bago ko pa maipasak sa mga tainga ang earphones. "You must be new here."

Gusto kong magtanggal ng stress kaya ako nagwo-workout. Pero kung ang isa sa mga nagbibigay sa akin ng stress ay ang i-approach ako ng isang lalaking halatang gustong mamick-up ng mabobolang babae, paano pa matatanggal ang stress ko nito?

Hindi ako sociable pero may manners pa rin naman ako kaya binalingan ko siya. "Good morning." Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako nang bahagya pero kaagad ko ring ibinalik ang tingin sa control panel ng treadmill habang naglalakad. "Yes, I am new here but actually, this isn't my first day. Naka-limang balik na ako rito. At kaya gusto ko rito, kasi people here mind their own business and do not talk to each other while they workout. And I really like that kind of environment."

Kung may utak ang lalaki, makukuha niya ang gusto kong ipahiwatig at tatahimik na siya. But unfortunately, nagsalita pa rin ang lalaki.

"I also like it here. Matagal na akong member dito. Mga three years na. Five times ka na palang nakakabalik dito. Ngayon lang tayo pinagtagpo."

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tinapik ng lalaki ang braso para siguro i-show off ang tigas ng triceps. Hindi na ako nagsalita at sinubukan nang mag-concentrate. Ang mga ganitong tipo ng lalaki ay hindi titigil kung patuloy na kakausapin. Ganunpaman ay hindi ko na ipinasak sa mga tainga ko ang earphones dahil ayokong mas ma-offend siya.

"Are you single?"

I groaned inwardly. Ang pinakaayokong marinig na tanong pero hindi ko kayang hindi sagutin every time sa worry na pag-isipan nila ako ng mga bagay na ayokong isipin nila tungkol sa akin, gaya ng tigang ako, malungkot ako, walang lalaking gustong magseryoso sa akin kaya wala pa akong asawa, et cetera, et cetera... "No. I'm self-sufficient."

"Self-sufficient?"

Kahit hindi ko balingan ang lalaki ay alam kong nakakunot ang noo niya. Sino ba naman kasi ang sasagot ng ganoon kung hindi ako lang?

Ah, here we go again. Kailangan ko na namang ipaliwanag kung bakit mas preferred ko ang compound words na iyon para ilarawan ang status ko kaysa sa single word na "single." Pagod na ako. Pagod na ako sa kapapaliwanag sa mga tao kung ano ang gusto kong ipahiwatig sa pagbibigay ko sa sarili ng ganoong klaseng status.

Mabuti na lang at bumilis na ang andar ng treadmill belt kaya tumakbo na ako. My excuse ako para hindi na siya kausapin. Hindi dapat nakikipag-usap ang mga tumatakbo.

"It means she can survive alone and she doesn't need a man to complete her. So, if you're planning to hit on her, you better back off, dude."

Mabilis akong napabaling sa kaliwa ko kung saan nagmula ang tinig. May lalaking kasalukuyang naglalakad sa isa ko pang katabing treadmill. Ngumiti ang guwapong lalaking sumagot para sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.

Ang best man ni Luis!

Status: Self-sufficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon