I DON'T usually go outside the house at night, but when I do, pupunta ako sa pinakamalapit na bar para uminom ng cocktail drinks. I love cocktail drinks. Sumubok akong magtimpla ng sarili kong cocktail drink sa bahay para hindi na ako lumalabas sa gabi pero hindi kasing sarap ng kung paano 'yon tinitimpla ng bartender sa Nite Life Bar. Kung puwede lang sanang hingin ang recipe nila.
I groaned in delight as I tasted the sweetness, sourness and bitterness of Piñacolada. Isa ito sa cocktail drinks na binabalik-balikan ko sa Nite Life... kahit wala naman talaga akong night life. Nakaupo ako sa stool sa harap ng bar counter dahil doon kadalasang pumupuwesto ang mga taong walang kasamang uminom. Mula roon ay inilibot ko ang tingin sa loob ng bar habang patuloy ako sa paunti-unting paghigop ng cocktail drink ko.
The bar was filled with people enjoying the music and their drinks, talking amidst the loud music, laughing out loud and even... making out.
Inalis ko ang tingin sa nakita kong naghahalikan. Hindi ako maka-relate sa mga tao sa bar na iyon. Wala kasi akong social life. Hindi dahil freelancer ako at sa bahay lang ako nagtatrabaho. Kahit noong nagtatrabaho pa ako as an employee, wala rin akong naging close friends sa mga kasamahan ko sa work.
Well, I am not very friendly. But let me just make it clear, being not sociable isn't synonymous to being a bitch. I just don't really like people that much. That's why I stay away from them. Less people, less complications, less drama.
That's why my life is so peaceful. Kasi wala akong relationships in any form. Wala akong kaibigang mang-iistorbo kapag may kailangan o may problema sila. Halos wala rin kaming interaction ng mama ko dahil bihirang-bihira ko siyang makausap at makita. Wala akong kapatid na kaasaran. Wala akong boss na nang-aalipin sa akin. At wala akong boyfriend o asawang magbibigay sa akin ng sakit ng ulo.
The only thing that gives me stress is my job. Eh, ano naman kasing trabaho ang hindi nagbibigay ng stress, 'di ba? Lalo na kung demanding ang clients. Wala na akong magagawa sa bagay na iyon. I still have to deal with people because of my job. Pero at least, hindi ko sila kailangang kilalanin on a personal level. Kapag natapos na ang project, babu na rin sila sa buhay ko.
Nang humarap ulit ako sa bar counter, nasalubong ko ang tingin ng bartender na si Gregie. Ngumiti siya sa akin. Obligado akong ibalik ang ngiti niya kahit papaano dahil baka duraan niya ang drinks ko next time kapag inirapan ko siya.
Ah, this guy. Hindi siya ang ipinunta ko rito kundi ang cocktail drinks na tinitimpla nilang bartenders pero bakit pakiramdam ko, iniisip niyang siya ang ipinupunta ko roon? Minsan nang sumubok si Gregie na magpa-cute sa akin pero tinabla ko siya kaya hindi na umulit. Naisip siguro na hindi ako tulad ng mga babae sa bar na nabobola niya. Actually, cute naman si Gregie, matangkad at maganda ang built. Magkasing-edad kami. Halata mang hindi ganoon katalino, mukhang may sense namang kausap. Ang problema, I am not looking for love o kahit fling.
"Masarap?" tanong ni Gregie.
Tumango ako. "Are you fishing for compliment o gusto mo lang mag-start ng conversation pero wala kang maisip na creative na pasakalye?"
Tumawa siya. "Bakit ang witty mo?"
Nagbuga ako ng hangin. "Witty o sarcastic?"
"Pareho."
I groaned. "Shut up and let me enjoy my drink."
Ngumisi si Gregie. "Ang tagal mo nang bumabalik-balik dito pero ni minsan, hindi kita nakitang may kasamang uminom."
"Dahil mas masarap uminom na mag-isa. Mas mananamnam mo ang iniinom mo. So, kung hahayaan mo 'kong namnamin ang iniinom ko ngayon, that would be better." Ngumiti siya para hindi ito ma-offend kahit alam niyang sanay na ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Status: Self-sufficient
ChickLitNOW PUBLISHED! AVAILABLE IN PRECIOUS PAGES BOOKSTORES! ***This is chick literature with a tad of romance*** ***Unedited*** I do not like calling myself "single." May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kan...