Part 20

3.6K 80 32
                                    



NOTE: Published na po itong story as a book! Available na sa Precious Pages Bookstores and soon sa National Bookstore and other bookstores nationwide. Sana makabili kayo :)


"THIS is why I don't attend class reunion parties," sabi ko kay Karla nang marating namin ang isang sulok ng ballroom.

Namataan ko ang table sa isang gilid ng ballroom kung saan may sine-serve na wines pero pinigilan ko ang sariling lumapit doon. Sinabi ko na sa sarili kong hindi ako iinom ng alcohol kahit ano ang mangyari.

Lumabi si Karla. "I partly knew this would happen. Kasi mukhang may bad blood kayo ni Wena. Pero hindi ko in-expect na pati 'yong iba, makakapikunan mo."

"Siya lang ang may ill feeling sa akin dahil lang hindi ako nakarating sa kasal niya as if I was part of the entourage."

"Alam mo naman si Wena. Mapagtanim talaga 'yon ng sama ng loob. Naalala mo noong nag-away kami noon, umabot ng isang taon bago kami nagbati at ako pa ang nag-initiate ng pagbabati."

"Wala akong panahon na magmakaawa sa kanya para lang patawarin na niya ako sa hindi pag-attend sa kasal niya."

"Hindi lang naman 'yong hindi mo pag-attend sa kasal 'yong dahilan ba't ganyan siya sa 'yo. Lumayo ka na kasi sa amin noong nag-college na tayo. At 'yong pag-imbita niya sa 'yo sa kasal niya, gusto niyang mabalik ang friendship n'yo pero hindi ka pumunta. Kaya ganyan 'yan sa 'yo."

"Hindi pa rin tama na ipahiya niya ako sa ibang tao dahil lang asar siya sa 'kin."

"I know. Baka miss ka lang no'n." Hinampas niya ako nang marahan sa balikat. "Kumusta ka na kasi?"

Ngumiti ako. "I'm fine."

"Are you sure you do not want to have a boyfriend?" Inilapit ni Karla ang bibig sa tainga ko. "Nandito kasi si Galvin. And you know what, he's also single."

Nagbuga ako ng hangin. Nakita ko ang pasimpleng paglibot ng tingin ni Karla.

"Oh, there he is."

Sinundan ko ang tininitingnan ni Karla.

"He's still as handsome as ever, isn't he?" sabi niya.

As if naman hindi ko nakita sa Facebook si Galvin. Hindi kami friends doon pero one time, nakita ko siyang nag-comment sa post ng dati kong guy classmate. Na-curious lang ako kaya ko sinilip ang profile niya.

"Yeah, pero hanggang ngayon, iyon lang ang puwede niyang ipagmalaki. 'Yong looks n'ya."

"Hmp. Pero muntik ka nang ma-in love sa kanya dati, 'di ba?"

I snorted. "Thank God, hindi ako totoong na-in love sa kanya."

"Oh my god, Mau... nakatingin na siya sa atin."

Sinalubong ko ang tingin ni Galvin. Nakita kong nagliwanag ang mga mata niya. Ngumiti ang loko. Kunsabagay, mga bata pa kami noon at wala na akong maramdamang kahit ano sa kanya ngayon. Miski iyong galit ko sa kanya noon, nakalimutan ko na ang pakiramdam.

Si Galvin ang crush ko noong high school. Isang araw, bigla na lang niya akong tinanong kung puwede niya akong ligawan. Pero after a week, nakita kong may kaakbay nang ibang babae na nalaman kong girlfriend na niya. Mabuti na lang talaga at bago pa ako tuluyang ma-in love sa kanya, nalaman ko agad na gusto lang niya akong gawing "spare tire."

"Mukhang lalapitan ka niya," sabi ni Karla.

"Baka aalukin ako ng insurance."

Nakita ko sa Facebook na ang nagwo-work siya bilang insurance agent.

Status: Self-sufficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon