ILANG poses na ang nagawa ko sa yoga class pero hindi ko pa rin ma-achieve ang calmness at relaxation na hinahangad ko. Flexible lang talaga ang katawan ko kaya nagagawa ko nang walang mintis ang bawat poses kahit walang deep concentration. Hindi naghihinala ang yoga instructor na habang nakatuwad at nag-i-inhale exhale ang iba, ako naman ay bumabalik ang alaala sa gabing iyon sa kasal ni Sara.
Hindi ko na ipinakuwento kay Mama ang nangyari sa throwing of the bouquet part ng reception dahil naniniwala akong ignorance is bliss. Ayoko na lang sanang malaman kung ano pa ang ibang pinaggagagawa ko nang gabing iyon habang lasing ako sa champagne. Kaya lang, kahit ayaw ko, kusang nagbabalik sa isip ko ang mga alaala nang gabing iyon in snippets.
Sa throwing of the bouquet, kitang-kita ko ang sarili ko sa alaalang paunti-unting pumapasok sa isip ko. Nasa unahan ako nakapuwesto sa mismong gitna ng first row. Excited ako at isinisigaw ko pa kay Sara na sa akin niya ihagis ang bouquet dahil sinabi niya sa akin bago ang kasal na sa akin niya iyon ihahagis. Nakita ko sa alaala na saglit na bumusangot ang mukha ni Sara bago tumalikod at inihagis nang malayo sa direksiyon ko ang bouquet.
Halos mag-dive ako para lang masalo iyon. Muntik pa nga iyong mapasakamay ng isang babae pero mabilis kong inilayo sa kanya at inasikan ng, "This is mine!" Hindi na nakapalag ang babae. Pagkatapos ay ang wedding garter naman ang ipinaagaw ng groom sa groom's men nito. Ang best man ang nakasalo.
Ang misteryosong best man.
Kakaiba ang ngiti mga labi ng best man nang lumapit sa akin para isuot sa isang binti ko ang garter. Nakita ko ang amusement sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Hindi ko rin inaalis ang titig sa kanya. Nakaupo na ako noon at pataas nang pataas sa binti ko.
Narinig ko ang sigaw ng mga tao na "higher!" Lumampas na sa tuhod ang narating ng garter. Balewala naman sa akin at naki-"higher" pa talaga ako. Tumigil ang garter dalawang pulgada mula sa itaas ng tuhod ko kahit patuloy pa rin sa pagsigaw ang mga tao sa paligid.
At napunta na kami sa dance floor ng best man para sa parte ng tradisyon kung saan kailangan naming magsayaw kasama sa dance floor ang groom at bride bilang dalawang pareha. Nakatitig sa akin ang best man habang nagsasayaw kami ng slow dance. Nag-uusap kami pero wala akong matandaan sa mga salitang lumabas sa mga bibig namin.
Tandang-tanda ko ang mukha niya sa alaala ko. Napakaguwapo ng best man. Napaka-expressive ng mga mata niya, matangos ang ilong, perfect ang jawline at ang mga labi... kissable.
Bigla akong napadilat habang naka-downward facing dog position.
Ano kamo, Maureen? Kissable? kausap ko sa sarili sa isip. When did I ever use that word to describe a man's lips?
Napapitlag na lang ako nang makita ko ang mukha ng yoga instructor na nakasilip sa akin. Tinanong kung bakit ako nakadilat at hindi ako nag-i-inhale at exhale.
Pumikit ako at nag-inhale at exhale pero ang isip ko ay naroon pa rin sa best man. Bakit natatandaan ko ang ilang eksena pero hindi ko maalala ang napag-usapan namin habang nagsasayaw? Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng lalaking iyon. I'm sure in-announce iyon sa wedding toast pero hindi ko siguro narinig o hindi lang talaga natandaan.
May mga itinanong ba siya sa akin? Ano kaya ang mga isinagot ko sa kanya? Lasing ako kaya malamang na kung anu-ano ang sinabi ko. Tinanong ba niya ako kung bakit pinilit kong masalo ang bouquet samantalang sinabi ko sa wedding speech na ayaw kong mag-asawa? Contradicting nga naman.
Nakakahiya. Malamang na ganoon din ang iniisip ng ibang guests sa kasal ni Sara. Baka iniisip nilang "tulak ng bibig, kabig ng dibdib" pala ako, na sinabi ko lang na ayaw kong mag-asawa para hindi magmukhang pathetic dahil naunang magpakasal si Sara kaysa sa akin na older "sister" niya pero sa saluhan ng wedding bouquet ay halos ibuwis ko pa ang buhay ko sa pagsalo niyon. Pero sana, maisip nilang lasing lang ako nang gabing iyon kaya ko nagawa ang mga bagay na iyon.
Hindi ko naman na makikita ang mga guest ni Sara. O kung makita ko man, hindi ko na maalala ang mukha nila. Hindi ko na rin siguro ulit makikita ang best man ni Luis. Kaya kung anuman ang mga pinagsasabi ko sa kanya habang nagsasayaw kami, hindi ko na malalaman pa at ayoko rin namang malaman pa.
Medyo curious ako kung paano natapos ang sayaw namin ng lalaking iyon. Hindi pa kasi bumabalik sa alaala ko ang parteng iyon. Pero hindi na mahalaga pa iyon. Ang mahalaga ay nakapuslit ako palabas ng resort kaya walang nakakita sa akin nang umagang iyon. Nag-ala ninja ako papunta sa parking lot at mabilis na pinasibad ang kotse ko nang makalabas na ng resort.
Habang ginagawa ang balasana pose ay pinilit ko nang mag-concentrate. Kailangan ko nang tuluyang alisin sa isip ko ang mga nangyari sa kasal ni Sara. Tutal ay natalakan na niya ako sa phone tungkol doon at binulyawan ako ng "You ruined my wedding!" Tinanggap ko ang talak at bulyaw niya at nag-sorry na ako sa kanya, kay Luis at Tito Arthur kaya siguro naman ay puwede ko nang kalimutan ang nangyari.
Nang matapos ang yoga session ay lumapit ako sa fridge sa isang sulok para kumuha ng bottled water. Nang isara ko ang pinto ng fridge at umikot ay may sumagitsit na eksena sa isip ko. Napasinghap ako nang maalala ko ang lalaking nakabanggaan ko sa gym.
That guy!
Ang lalaking iyon ba ang best man ni Luis?
BINABASA MO ANG
Status: Self-sufficient
ChickLitNOW PUBLISHED! AVAILABLE IN PRECIOUS PAGES BOOKSTORES! ***This is chick literature with a tad of romance*** ***Unedited*** I do not like calling myself "single." May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kan...