MGA ilang segundo akong "loading" bago ako nagkaroon ng reaksiyon sa sinabi ni Kenneth. Sinukahan ko siya! Sinukahan ko ang lalaki sa gitna ng dancefloor, habang kasamang sumasayaw ang bride at groom, habang naka-on ang camera ng videographer, habang pinanonood ng mga tao sa paligid.
Nai-imagine ko na lahat ay na-shock sa pagsusuka ko sa dibdib ng best man sa gitna ng isa sa mahahalagang bahagi ng programa ng wedding reception. Kaya pala wagas kung maka-"you ruined my wedding!" si Sara. May special appearance pa pala ang vomit ko sa kasal niya. Talaga palang sinira ko ang kasal nila.
Napapikit ako at wala sa loob na pinagtatampal ko ng palad ang noo.
"Don't be too hard on yourself," narinig kong sabi ni Kenneth. "It's also your stepsister's fault for putting you in the entourage kahit alam niyang ayaw mo. She just paid the price."
Napadilat ako. Nasalubong ko ang tingin ng lalaki. Ngumiti siya sa akin bago muling humigop ng kape.
Ah, this guy is something else. Parang siya iyong tipong hindi bini-big deal ang mga bagay-bagay. Hindi ba at dapat ay isa siya sa mga nagalit sa akin dahil sinukahan ko siya?
"Besides, hindi mo naman talaga sinira ang kasal nila. Hindi naman na-postpone ang palitan nila ng 'I do' nang dahil sa 'yo."
"Nasasabi mo lang siguro 'yan dahil hindi mo naman kasal ang sinira ko. Kaya wala kang emphaty."
"Well, if you do that on my wedding, it'll be cool. Para hindi naman masyadong boring. I don't like weddings because they tend to be really boring. You didn't know how you made that boring occasion an enjoyable one. I actually enjoyed that wedding because of you. And it's the first time I ever enjoyed attending a wedding."
Napakurap-kurap ako habang nakatitig kay Kenneth. Nagbibiro ba ang lalaking ito? Nag-enjoy siya sa suka ko?
"You enjoyed dahil pinagtatawanan mo ako the whole night?"
"Hindi kita pinagtawanan. Natawa lang ako sa 'yo."
"Hindi ko pa rin makita ang difference no'n."
Ngumisi siya. "You were cool, okay? You have nothing to be embarrassed about. At least, sa akin."
"Kaanu-ano mo si Luis?" hindi na nakatiis na tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang relationship niya sa groom para malaman ko kung bakit parang wala siyang pakialam sa newly weds.
"Best friend."
"Best friend?" manghang gagad ko. "Anong klase kang best friend? You just ratted on your friend. Sinabi mo sa akin 'yong dapat na secret n'yo lang."
"It's not a secret. Otherwise, he'd tell me not to tell anyone about it."
"Kahit na hindi niya sinabing 'wag mong sabihin, dapat hindi mo sinabi. At saka malay ba niya na magkikita ulit tayo after the wedding?"
"It's no big deal. You wanted to know, right? Tinanong mo ako. Kung hindi mo tinanong, hindi ko sasabihin. Besides, I think you are entitled to know. Baka sakaling 'pag nalaman mo, kumilos ka para patunayan sa kanya na mali siya. Na hindi ka mahihirapang makahanap ng mapapangasawa kung gugustuhin mo."
"Sa tingin mo, dahil lang nalaman kong ganyan ang tingin sa akin ni Luis, hahanap ako ng mapapangasawa para lang may patunayan sa kanya? Ipagpapalit ko ang gusto kong mangyari sa buhay sa gusto niyang mangyari sa buhay ko para lang wala na siyang masabi?" Umiling-iling ako. "Believe me, hindi diyan matatapos ang mga pupunahin ni Luis sa akin o ng mga tao sa paligid ko kahit na mag-asawa pa ako. Maraming mga tao ang likas na pakialamero sa buhay ng ibang tao. Kapag wala kang ginawa, may sasabihin sila. Kapag may ginawa ka, may sasabihin pa rin sila. Lalo na sa aming mga babae.
BINABASA MO ANG
Status: Self-sufficient
Romanzi rosa / ChickLitNOW PUBLISHED! AVAILABLE IN PRECIOUS PAGES BOOKSTORES! ***This is chick literature with a tad of romance*** ***Unedited*** I do not like calling myself "single." May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kan...