Chapter 4

677 33 5
                                    

PAGKATAPOS ko ngang makapananghalian ay dumiretso na ako sa NBI kung saan naka-detain si Candice. As I was expecting, marami na ang nakaabang na mga taga-media para makapag-bigay update sa publiko. May mga naka-park din sa tabi na mga mobile ng mga sikat na tv networks. May mga video cameras ang naka-setup na, at may isa pa ngang tv reporter na nagrereport. Hindi na ako magtataka kung may mga international news center ang makisali na rin.

Bago ako bumaba ng taxi ay nagsuot na muna ako ng shades dahil sa mainit na sikat ng araw. Sana lang ay huwag akong mahalata ng mga reporter na ito at tiyak na aambushin ako ng mga 'yon. Hindi naman sa ayoko sa kanilang magpa-interview, kaya lang sa sobrang exposure at pangingialam nila ay nakakaapektuhan nito ang kaso. Taong bayan na tuloy ang humusga which should't be the case.

Para hindi ako mahalata ng mga reporter ay dirediretso akong naglakad. Natural lang ang bilis ng aking mga hakbang at diretso rin ang aking tingin sa harapan. Kung magpapalingon-lingon ako, lalo lang nila akong mahahalata. May mga gusto ring lumapit, but I didn't mind them.

Sa Investigation Division ako tumuloy, mag-i-inquire lang naman ako kung saan ang selda ni Candice. Tamang-tama at nandoon ang mga staff. Ang iba sa kanila ay kilala ko na at nagulat pa nga sila nang malaman nila na ako ang abogado ni Candice. Agad naman akong inasistahan ng isa sa mga staff patungo sa isang kuwarto kung saan puwede kaming makapag-usap ng sarilinan ni Candice.

May isang lamesa at dalawang silya na ang nakahanda sa loob ng kuwarto. Inilagay ko sa tabi ng paanan ng upuan ang attaché case kong dala. Naupo ako at nilatag ko na ang aking recorder. Inilabas ko rin ang aking lapis at papel para sa aking notes. Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan.

Isang babaeng agent ang nakaalalay kay Candice habang ang mga kamay niya ay nakaposas. Mabagal ang mga kilos niya, kailangan pa siyang sabihan ng babae sa pagkilos dahil hindi siya gumagalaw ng kusa. "Pasensiya na Attorney kung natagalan, ayaw kasi nitong gumalaw," sabi ng agent.

Tumayo muna ako. "Ok lang, Ma'am," sagot ko. Nginitian ko ang agent at pinasalamatan na rin.

Pinaupo ng agent si Candice. Ayaw nito noong una, ngunit sa kaunting puwersa ng agent ay napaupo siya nito. Muntik ko na itong masabihan na dahan-dahanin lang at maselan pa ang lagay ng aking kliyente, pero naupo na rin si Candice. Nagpasalamat na lang ako dito.

"Kung may kailangan ka po Attorney, nasa labas lang ako," sabi nito bago lumabas.

Nang makaupo na ako at sa aming paghaharap ay naghalo ang awa at kaba sa aking dibdib. Awa, dahil maputla na ang kulay ng balat niya, at ang mga labi niya ay halos nangangasul na. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata niya marahil dahil sa kakulangan ng pagtulog sa gabi. May mga bakas pa rin siya ng pasa sa pisngi at sugat na parang sumuot ito sa alambre. In short, she was a lifeless soul.

Kinakabahan ako dahil alam ko na wala siya sa katinuan. Hindi ko alam kung kailan siya magiging bayolente. Isang pagkakamali ko lang sa sasabihin ko ay maaaring maka-trigger ito sa kaniya. Sa isang banda naman ay limitado lang ang kaniyang galaw dahil nakaposas ang mga kamay niya at may tali rin ang kaniyang mga paa.

Kahit na nga sa kasalukuyang kalagayan niya, mahahalata mo pa rin ang magandang estado niya sa buhay. Lutang pa rin ang natural niyang ganda dahil sa kaniyang kaputian, matangos na ilong, balingkinitang katawan, maninipis na mga labi, at may katangkaran. She looks somewhat European to me. Sa tantiya ko ay nasa early 30's na ito. Mukha ring inayusan muna siya para magmukhang presentable bago dalhin sa akin. Responsabilidad ito ng mga taga-NBI na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga detainees.

Nang mapansin niya na tinitingnan ko siya ay napayuko ito. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay at marahan niyang kinukutkot ang mesang gawa sa kahoy. Nakatitig din siya sa kamay ko na may hawak na lapis.

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon