ECT

502 18 0
                                    

Hello ulet sa readers ni Candice! This is your author again. Bibigyan ko lang kayo ng brief idea about Electro Convulsive Treatment or shock treatment. Ito yong nakikita niyo sa mga pelikula na nilalagyan sa noo ng electrodes yong isang taong may sakit sa pag-iisip tapos kukuryentihin.

Safe ba siya? Yes it is safe. Bago kasi gawin yan, titingnan muna ng ductor kung kayakayanin ng pasyente. Basta walang problema sa vital signs at walang sakit sa puso, ia-administer nila yan. First nilang gagawin ay papatulugin muna yong pasyente at bibigyan siya ng pangpakalma ng muscles via IV. This is for safety purposes. With consent ito. Kapag binigay na yong shock, hindi na grabe yong convulson dahil sa muscle relaxant na binigay sa pasyente. Saka may mga nakaantabay na medical team. Noon kasi kaya pangit ang reputasyon ng ECT dahil hindi premedicated ang pasyente. Basta na lang tinatali ang pasyente at conscious pa ang iba noon habang kinukuryente sila.

Para kanino ba yan? Binibigay ito sa mga severe case of mania, o yong may severe depression, yong mga Catatonic Schizophrenic patient, at kapag hindi talaga nagrerespond sa mga drugs na binibigay ng mga duktor. Eto na talaga yong last resort nila.

Effective naman ba? Yong ibang pasyente, nagugustuhan nila dahil sa positive outcome nito sa kanila. Nagiging positive ang outlook nila sa buhay at nagiging productive sila sa work and activities of daily living. Yong iba naman ay kabaliktaran daw ang nangyayari.

Anong side-effects nito? Very common after they wake up ay confusion. Sandali lang naman yon. Yong pinakapangit dito ay loss of memory, some are temporary, some are permanent. Hindi naman total amnesia. Tingi-tinging memory lang. Dahil dito pinapagawa sila ng journal.

Gaano katagal at kalakas ang shock? Sandali lang, ilang seconds lang pero malakas ang volt ng kuryente. Three times a week ito binibigay for three to four weeks. Ewan ko lang kung ginagawa ito dito sa Pilipinas. Sa mental hospital, nakakita na ako, one time lang.

Irerekomenda ko ba 'to? I'm not an expert on this, you better ask a Psychiatrist or yong mga nakaranas na.

Ginagawa na rin ito as an outpatient basis. Sa ibang bansa, common na ito. Watch niyo yong mga kuwento sa Youtube ng mga nagpapa-ECT.

That's all! Let's go back to Candice and let see kung ano na ang kundisyon nito.

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon