Chapter 7

628 26 0
                                    

"ECT? Bakit daw?" tanong ko kay Suzzie. Sa aking pagkadismaya ay napabagsak ako ng upo sa kama. "Bakit agad-agad siyang bibigyan ng ganiyan treatment. Usually, last resort yan, pag talagang hindi nag-work ang mga gamot niya?" I was really becoming high pitch. 

"Yon na nga po, Attorney." I know Suzzie knows about it. She's a doctor also. "What I heard from our source, iniipit daw sila ng pamilya ni Apollo. Halos araw-araw ay panay ang tawag nila, sabi ng mga nurses. Hindi na talaga sila makapaghintay na maipakulong na nila si Clara." That's the obvious reason.

"Don't worry I will talk to her doctor." Hindi pa kasi ako nakapunta kay Candice simula ng inilipat siya doon. I was having so many works, hindi ko naman puwedeng pabayaan. Saka, sila kasi ang tumatayong guardian ni Candice.
 

"Hindi ba nila alam na ang isang side-effect ng ECT ay memory loss. Wala pa nga akong nakukuhang impormasiyon kay Candice, wawalain pa nila 'yon?"

"Siguro Attorney, gusto talaga nilang mangyari 'yon para mawala ang credibility ni Clara. What do you think po?"

"Hindi natin 'yan masasabi, but whatever they are planning, we will stop them," mahinahong sagot ko.

"So, are you going there tomorrow, Attorney?" tanong niya sa akin. 

"Yes. I will be there early in the morning." Afterall, she is my client. "Anyway, hindi naman nila 'yon gagawin basta-basta. Thanks for telling me, Suzzie." That was the end of our conversation. Napabuntong hininga na lang ako.

"What was that all about?" tanong ni Anton galing ng banyo. 

"That was Suzzie, yong best friend ni Candice," sagot ko. Umurong ako ng kaunti para makahiga na si Anton. "Can you imagine how desperate they are?" Napakunot ng noo si Anton. "Yong mga Valenzuela, I mean."

"Bakit, ano 'yong ginawa nila?" 

"Wala pa naman. Pini-pressure nila 'yong mga taga NCMH na pagallingin na si Candice by giving her ECT."

"Electro Convulsive Shock, you mean? Like this?" Nag-jerk pa ito ng katawan na parang kinukuryente. Natatawa pa ito. 

Sa inis ko tinapik ko siya sa may baywang. "Hindi yan nakakatawa!"

"I was just joking. Masyado ka namang high blood diyan." Nagseryoso na ito. "Pero effective yon sa mga severe patient. Ginagawa naman talaga yan, di ba? And it's safe. Iba lang kasi yong mga napapanood natin sa movies."

 "Of course, I know that. I have seen it already. Hindi ko naman kinu-question yong effectiveness ng ECT. Tatlong araw palang siya doon tapos yon na kaagad ang gagawin nila. Ang pinuproblema ko kapag ginawa nila yan kay Candice baka mawala rin ang memorya niya after that procedure."

"Yan ang problema sa medicine. While we are looking to find a means for a cure, on the other hand naman we are giving our patients another problem. Medicine is not perfect." Humilata na ito. "Bukas sa OR ako sa BGH, may pasyente kaming may eye cancer, hindi nag-respond sa chemo and radiation kaya we have no choice but to remove both of his eyes. Ang bata pa niya, Hon. He's only twenty five."

"Buti pumayag pa siya. 'Yong iba bumibigay na lang, di ba?"

"Mukhang natanggap na niya ang sitwasyon niya, almost a year na din 'yong laban niya. Handa naman daw magsakripisyo ang asawa niya kaya magpapa-opera na siya. Ganoon siya kamahal ng asawa niya. Yong mga anak nila ang babata pa."

"Nakakaawa naman. At least masuwerte siya at may loving wife siya. Tulad ko, I have a loving and a very understanding husband. Sige na magpahinga ka na at maaga..." Pag tingin ko sa kaniya ay tulog na ito, kaya pala ang tahimik na niya. But I blow him a kiss on his cheek. Pero naramdaman ko na umakbay pa ito sa akin. "Gising ka pa pala?"

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon