Prologue

2.3K 46 10
                                    

"NARITO po tayo ngayon live sa himpilan ng NBI kung saan patuloy ang pagsasagawa ng press conference para sa pagkakahuli kay Candice Peralta! Si Candice Peralta ay ang pinaghihinalaang pumaslang kay Apollo Valenzuela, apo ng dating senador na si Sen. Alberto Valenzuela."

Ito kaagad ang bumulaga sa akin pagkabukas ko ng tv. Nahuli na pala kaagad nila si Candice. Ang bilis naman ata? Ipinasok ko muna sa kusina ang pinamili ko sa grocery at agad akong bumalik sa sala. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng tv. Inaabangan ko talaga ang balitang ito.

"Natagpuan ang labi ng biktima sa loob ng nasunog na beach house sa Batangas, tatlong araw pa lang ang nakalipas. Samantala, si Candice naman ay nahuli kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon ng mga taga-NBI habang palakad-lakad ito malapit sa Calaruega Church sa bayan ng Nasugbu."

This was of course a shocking news to many. Si Apollo pa na untouchable. Sa dinami-dami ng kaso nito, ni isa ay walang napatunayan. Can you just imagine that? And who is this Candice, by the way? There's something interesting about this story.

"Ayon sa aming nakapanayam na isa sa mga taga-NBI ay may nakapagtimbre sa kanila na mag-lolo. Nakita di umano ng mag-lolo ang suspek na nakahandusay sa damuhan ng kanilang likod-bahay, mahigit-kumulang isang kilometro ang layo ng bahay nito sa pinangyarihan ng krimen. Narito ang isinagawa naming panayam sa mag-lolo."

Habang pinapanood ko ang intirview ng mag-lolo ay isinusuot ko ang aking tsinelas. Ang sakit na kasi ng paa ko. Dumaan pa ako sa grocery kaya lalong sumakit ang mga ito. Naupo ako sa sofa at hinihilot-hilot ko rin ang mga nangangalay kong binti.

"Bandang alas kuwatro nga ng hapon habang patuloy sa search operation ang mga taga-NBI sa suspek ay may nag-report ulit na mga taga roon na may isang babaeng sugatan at tila wala sa sarili ang palakad-lakad. Natagpuan nga nila ang suspek. Kahit na nanggigitata na sa dumi ang suspek ay nakilala pa rin nila ito, saka inaresto."

Mukhang hindi na niya nakanayanan ang tindi ng nangyaring krimen. This is one of the many crimes of passion, and it only prooves that it's a woman who can make or unmake a man.

"Matatandaan na magkasama sila Candice at Apollo nang gabi ng a-onse ng Nobyembre sa isang restaurant sa Makati, base sa CCTV footage ng restaurant at sa salaysay rin ng isang waitress na nag-serve sa kanila. Nakumpirma nga ng mga taga-NBI na magkasama ang dalawa sa beach house. Base naman ito sa natagpuan nilang kapirasong damit na nasabit sa loob ng kotse ng biktima na nakaparada sa harapan ng nasabing beach house. Nag-match ito sa suot na damit ni Candice."

Nawala ang atensiyon ko sa ibinabalita ng reporter, sa halip napadako ang aking paningin kay Candice habang itinututok ng camera ang mukha nito. Malinis at maayos na ito at nakapangsuot ng pang-detainee na damit. Naka-posas din ang kaniyang mga kamay habang nakaatayo lang sa likuran ng mga naka-upong officials ng NBI. Tahimik lang si Candice at nakatingin sa malayo.

Siguradong, pagpipiyestahan na naman ito ng mga taga-media. At bago pa madinig ang kaso nito ay hinusgahan na siya. Ang masama pa ay ang mga fake news na nagkakalat sa social media na ang laman ay talagang manira ng pagkatao gamit ang kanilang mga click bait headlines.

"At may exclusive report po tayo. Dito niyo lang ito unang malalaman. Lingid sa ating kaalaman, si Candice Peralta ay ang dating girlfriend ni Apollo. Kung inyong natatandaan, naabsuwelto noon sa rape case ng isang medical student si Apollo..." Bigla ulit nabaling sa reporter ang aking atensiyon. Sabay nito ay may ingay mula sa dumaang sasakyan. Agad kong inabot ang remote na nasa mesa at nilakasan ko pa ng todo ang volume ng tv. I need to hear this. "...Samantalang ang apat pa nitong mga kasamahan na sangkot ay nananatili pa rin ngayon sa kulungan. Pagkatapos ng kaso ay pumunta na ang babaeng ito sa London at doon na nanirahan. Makalipas ang sampung taon ay bumalik ito at nagpapalit ng pangalan. Si Candice Peralta ay mas kilala natin noon bilang si Clarissa Martinez. Haharap siya ngayon sa kasong Murder." Hindi ko namalayan na nalaglag na lang sa sofa ang hawak-hawak kong remote control dahil sa aking pagkatulala.

Natatandaan ko na siya. That's why she really looks familiar to me. At kaya pala ganoon na lamang ang simpatiya ko sa taong ito. Lalo akong naawa sa kaniya. It's not easy to survive a case like that. Mas gugustuhin mo na lang na sana hindi ka na nabuhay kaysa malaman mong trinato ka na parang hayop. Rape is the worst thing that can happen to anyone. I will not let it happen to me again!

Pinatay ko na ang tv at napasandal ako sa aking kinauupuan. Isinandal ko rin ang aking ulo at napapikit. I can't take this anymore. Halos araw-araw na lang ay laman ng balita ang mga kababaihan na naiimbuwelto sa iba't ibang klase ng karahasan. This has now become a social disease all over the world and men are always the perpetrators. Nakakapanghina, and no one can do anything to prevent this violence despite the laws protecting the rights of women. Napanbuntong-hininga na lang ako.

Ang nakakapagtaka ay paano napatay ni Candice si Apollo na kilala bilang isang notorious gang leader. Hindi ito mamamatay nang ganoon na lang kadali. Isa sa mga anggulo na puwedeng makita dito ay ang kaniyang paghihiganti. Kapag napatunayan, maaaring siyang masentensiyahan ng life imprisonment.

Kahit kailan ay hindi tamang ilagay ninuman ang batas sa kanilang mga kamay. Lalo kasi nila itong ikakapahamak. Ang dapat isipin ng lahat, may mga tao pa ring handang maglingkod ng tapat sa ngalan ng katarungan. Kailangan pa rin nilang pagkatiwalaan ang hustisya gaano pa kasama ang tingin nila sa ating batas. I can attest to that.

One thing for sure, hindi magiging madali para kay Candice ang gagawin niyang depensa lalo pa't maimpluwensiya ang pamilya ni Apollo. Kung mapapawalang-sala man siya ay isang suntok sa buwan. Sa bandang huli ang katotohanan lang ang puwedeng magpalaya sa kaniya. 'Yon ay kung handa niya itong isiwalat.

---

Author's Note:

Kilala niyo na ba kung sino itong magiging tagapagtanggol ni Candice? If you truly are my reader, you have encountered her already.

Slow update po ito kasi kailangan ng matinding research. Hindi ito magiging anti-men, but how I wish that boys and men will be enlighten here. It's about time that we do something about women's right. The best thing that I can do about it is to educate the people by telling this story.

Supportahan niyo ulit ako sa kakaibang kuwentong ito. Dios mabalos! :)

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon