Forensic What?

508 19 3
                                    

This is not an update. This is me again, BalatSibuyas.

Alam niyo this forensic psychiatry/psychology thing na'to, wala akong kaalam-alam nito. First time kong ma-encounter this. It happened while googling NCMH, it directed me to their website. Tapos, tiningnan ko yong services nila. Akala ko nga naka-catered lang sila sa psyche cases, pero tumatanggap din pala sila ng mga iba't ibang cases. Yong Forensic Dep't ay gawa-gawa ko lang. Hindi ko sure kung meron talagang ganoon, pero meron silang Forensic Psychiatry, doon lang ako nagka-idea. Noong nag-affiliate kami sa NCMH, hindi naman namin qnalibot ang buong mental, kaya no idea ako. Pero alam ko na may mga alleged criminals doon, and they are under investigation, este observation. Inoobserbahan sila kung talagang may mga sakit nga sila, or they just have a malingering disease para makaiwas sa sentensiya. Nasa isang selda rin sila. I have classmates pa nga na na-assigned doon. Baka nakita nila si Candice, joke lang. ;)

Pagka-google ko, syempre sunod no'n Youtuba na. Nood-nood about forensic psychiatry. Alam ko na ang mga duktor ay madalas kinukuha as expert witness, pati din pala psychologist?  Usually, sa mga napapanood ko ay mga psychiatrist ang kinukuhang expert witness. Speaking of which, noong bata ako, gusto kong maging psychologist. Ang kaso ayaw naman ng nanay ko. Curious kasi ako sa mga behavior ng tao. Anyway, as a nurse, we have good background in psychiatry.

After watching these things, na-encounter ko naman ang tungkol sa crimunal profiling. Kung napanood niyo yong Silence  of the Lambs, yong FBI agent doon, si Clarice Starling (Jodie Foster), na siya rin ang bida ay isang profiler. That is how I came up with Dr. Alvarez. Ang forensic psychologist ay puwedeng maging profiler ng court. I will explain it sa story. Have I not research about these, wala sana si Alvares. Abangan niyo siya dahil malaki ang gagampanan niya sa buhay ng main characters natin. Nasesense niyo ba? Ooops bawal spoiler. ;)

O, baka sabihin niyo ginaya ko yong Silence of the Lambs. Actually, malayo ito sa movie na 'yon. Si Clarice, yong FBI profiler kumukunsulta siya kay Hannibal para mahuli yong isang serial killer. Sa part naman ni Florence, aalamin niya kung kriminal nga ba si Candice o hindi. Yong name naman ni Clarissa ay nagkataon lang kay Clarice Sterling.

Excited na ba kayo sa mga susunod na mangyayari! Kung naeexcite na kayo, ako din. Abangan ang next update.

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon