Chapter 9

624 24 1
                                    

HINDI ito ang unang pagkakataon ko sa National Mental, so I'm quite familiar with the place. I have been here several times already since college when I was a student nurse, and in my practice in law. Yong Forensic Department nila ay nasa isa pang building. It will take us about a few minutes walk to reach the place. It's a special area for patients with criminal offenses.

Ang dating nga ng lugar na ito ay para kang nasa probinsiya dahil sa maraming puno at walang masyadong tao at sasakyan. Pag labas mo ng compound, balik ka na sa magulong lugar ng Kamaynilaan. Malawak ang buong bakuran nito at hiwa-hiwalay ang mga building. May kalumaan na rin ang mga istraktura, pero malinis naman at maayos. May selda para sa mga matatanda, may selda rin para sa mga bata. Hiwalay din ang mga kababaihan sa mga kalalakihan. May mga services din dito katulad ng ibang hospital, pero nasa ibang building din 'yon.

Kung tutuusin ay para din mga bilanggo ang ibang mga pasyente dito. Ang pagkakaiba lang nito sa correctional ay kapag gumaling na ang mga pasyente ay makakalaya na ito kaagad. Hindi naman kasi sila mga sentinsiyado. Maging ang mga na-acquit ng korte dahil sa insanity plea ay nakakalaya rin kapag magaling na. Ayon kasi sa ating batas, ang mga may kapansanan sa pag-iisip ay walang pananagutan sa mga nagawa nilang krimen, iyon ay kapag napatunayang wala talaga sila sa katinuan nang mangyari ang krimen. Sa kabilang banda, hindi lahat ng may kapansanan sa pag-iisip ay napapawalang-sala dahil may panahon na nasa tama silang pag-iisip o iyong tinatawag na lucid state.

Sa kalagayan ni Candice, wala pa akong nakukuhang salaysay mula sa kaniya kaya hindi ko masabi kung ano ang kahihinatnan ng kaso niya. Hindi naman sapat ang mga ebidensiyang nakuha ng mga imbesitgador laban sa kaniya na pinatay nga niya si Apollo. Saka pa lang ako makakagawa ng depensa kapag gumaling na ito.

Pagkatapos ng ilang minuto naming paglalakad ay narating din namin ang pavilion kung saan naroon si Candice. Mahigpit ang bantay dito dahil kailangan kaming kapkapan. Pinaiwan din ang aming bag. May mga pulis din na aali-aligid sa loob ng building para sa seguridad ng mga empleyado at para siguraduhing walang makakatakas dahil mapanganib ang mga pasyente dito.

Pagkatapos ay pumunta na agad kami sa nurse station. Humingi muna kami ng permiso na mabasa namin ang chart ni Candice. Pumayag naman si Ms. Santos dahil alam naman nila ang aming mga propesyon. Ako, bilang dating nurse, si Suzzie naman ay isang duktor.

Normal naman ang kaniyang mga vital signs maliban na lang sa kaunting sinat. Tiningnan din ni Suzzie ang ibang laboratory results at wala naman siyang nakita ditong kakaiba. Maganda raw naman ang mga ito. Tiningnan din namin ang kaniyang mga gamot. May ilang antidepressants na ipinapainom sa kaniya, ilang vitamins, at ang karaniwang gamot na ibinibigay sa mga may sakit na Bipolar ay ang gamot na Lithium.

Kinumusta namin yong mga nurses. Sabi nila, nagkagulo daw ng isang gabi ang mga night duty nurses dahil bigla na lang nagwala si Candice sa kuwarto. Nagsisigaw raw ito nang magkamalay ng bandang hating gabi. Nahirapan pa raw ang tatlo nilang kareliyebo dahil sa ang lakas daw nito.

Hindi na kami nakapagsalita ni Suzzie. Marahil ay nabigla ito sa kaniyang bagong kapaligiran. Naisip ko na lang na mahirap na ngang alagaan ang taong normal ang pag-iisip, ano pa kaya ang mga may diperensiya. Kailangan ay mga pasensiyosa at pasensiyoso ang mga tao dito.

Pagkatapos naming mabasa ang chart ay nagtungo na kaming tatlo sa kuwarto ni Candice. Bago kami dumating ay may nadaanan kaming isang kuwarto ng isang babaeng pasyente. Naabutan namin na may pinasok na makina sa loob ng kuwarto. Napahinto kami dahil nakaharang sila sa aming daraanan. May mga duktor at nurses din na nagsisipasukan sa kuwarto ng pasyente.

"Ms.Santos, ano po yong pinasok nila?" tanong ko.

"ECT machine po yon, Attorney. Naka-schedule kasi talaga 'yong pasyente today."

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon