Chapter 8

614 23 4
                                    

"WAKE UP, Clarissa! Wake up my little angel! It's time for us to play!" Yaya ng isang ale sa isang batang babae. Nagpahabol ito sa kaniyang anak na panay ang tawa habang tumatakbo-takbo.

Nakaka-engganyong pagmasdan ang paghahabulan ng dalawa dahil sa bawat pagtakbo ng babae ay sumasabay sa ihip ng hangin ang pagaspas ng malambot na tela ng puting bistidang suot nito. Animoy hangin na palutang-lutang ito habang tumatakbo. Ano pa't hirap itong maabutan ng bata. Napakaganda ng babae at matatamis ang mga ngiti nito. At sa bawat masasayang tawanan nila ay napupuno ng alingawngaw ang kanilang paligid.

Paikot-ikot lang silang naghahabulan sa loob ng isang malawak na silid na puno ng makakapal na ulap na kung minsan ay pingtataguan ng babae. Ang bata naman ay humahangos sa paghabol sa ale.

Mayamaya pa. "Mommy, where are you? Ang daya mo naman, e!" sabi ng bata nang hindi niya ito makita. Nauubos na kasi ang pasensiya nito sa kaniyang ina sa paghahanap.

"Nandito lang ako, Clarissa," sabi ng ina. "Bulaga!" Bigla na lang sumulpot ang ina sa harapan ng bata mula sa nakaharang na ulap.

Yumuko ang ina nang mapansin nito na biglang nanahimik ang kaniyang anak. Inangat nito ang mukha ng bata saka pinunasan ang basang-basang mukha. "Why are you crying Clarissa? Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin? Stop crying na. Nandito lang naman ako, o!" Pinisil-pisil nito ang pisngi ng anak.

"Mommy, I'm tired! I want to rest! Please, Mommy, no more hiding na!" reklamo ng bata na panay ang hikbi.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tumango ang bata at nginitian ang ina. "Halika. Sumama ka sa akin." Inaabot ng ina ang kaniyang kamay. "You'll be safe with me. Magkakasama na tayo at hindi na tayo magkakahiwalay kahit kailan. Magiging masaya ka na doon."

"Really? Mommy?" Napawi ang lumbay ng bata at umaliwalas ang mukha nito. Natuwa ito sa kaniyang narinig dahil sa wakas makakasama na niya ang inang parang kay tagal nang nawalay sa kaniya.

"Yes, Clarissa. I promise you that. Wala na sa iyong mananakit. Lagi-lagi na tayong magkakasama."

Naglulundag ang bata sa tuwa. "Yehey, Mommy!" Hindi pa nga nakakahawak ang bata sa kamay ng ina ay tila pumapalayo na ito sa kaniyang paningin.

"Wait for me, Mommy!" Kahit na anong pilit abutin ng bata ang kamay ng kaniyang ina ay hindi niya ito maabot. Parang may isang malakas na puwersang naghihiwalay sa kanila. Nagsisisigaw ang bata nang mawala na ang ina sa kaniyang paningin. "No, Mommy! Mommy! Don't leave me again, Mommy!"



NAGISING si Candice na yakap-yakap ang unan. Basa ng kaniyang mga luha ang punda nito. "Ang Mama, ngayon ko na lang siya napanaginipan."

May kung anong saya siyang naramdaman. Sapat na sa kaniya na makapiling ang ina kahit man lang sa panaginip. Wala siyang kamalay-malay sa ilang araw niyang pagkakahimbing.

Napatingin siya sa kaniyang kapaligiran. Ikinalat niya ang kaniyang paningin sa kaniyang kinaroroonan. Tahimik sa loob ng kuwarto at madilim. Saka lang niya nalaman na nasa loob siya ng isang maliit na puting kuwartong hindi palimyar sa kaniya. May nakikita siyang maliit na bintana. Mula sa labas ay may pumapasok na liwanag sa bintana. Umusog siya ng kaunti sa kaniyang kinahihigaan para masulyapan ang kabuuan ng buwan. Nang makausog siya ay nakita niya ang bilog na bilog na buwan at maliwanag ito. Pinagmasdan niya ang imaheng nakaporma sa mukha ng buwan. Kung sa iba ay isang mukha ng lalaki ang anyong nakikita, sa kaniya naman ay isang silhouette ng isang ina na tila naghehele ng isang sanggol ang kaniyang nakikita.

Sa kaniyang pagtitig ay hindi niya namalayan na may tumulong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Sa tuwing maaalala niya kasi ang kaniyang ina ay hindi niya mapigilan ang mangulila. Walang nagmahal sa kaniya ng labis kung hindi iyon lamang, at sa kasawiang palad ay maaga siya nitong iniwan.

a.k.a. candiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon