0:06

371 27 0
                                    

Nakatingin ang binatang si Jaelo sa babaeng inaakala nyang si Skyler habang nakangiti, para bang hinahanap nya ang kiliti nito para makagawa sya ng moves nya rito. Ang dalaga naman at kanyang mga kaibigan ay nagtitilian sa isang tabi na para bang nanalo sila sa pa-raffle ng boys scout at naghahampasan pa.

"Nakatingin talaga sya sa'yo, Yunha!" Tumili ang isang kaibigan nya bagong nanigurado muling ito ang nakatingin kay Yunha, at tama nga sya. Si Jaelo at titig na titig pa rin sa kaibigan nya.

"Beks! Baka yayain ka na nya magpakasal dahil sa mga tingin nya! Nauutot na ko sa kilig beks!"

Habang sila'y naglalandian sa isang tabi, ang dalagang natutulog sa dulong upuan ay nagising dahil sa ingay ng mga kaklase nya. Her hoodie's on. Mask on. And eyes, still off.

"Ano bang problema nyo?!" Sigaw nya na nakakuha ng atensyon ng tanging apat na tao na nasa loob ng classroom. Nabigla sina Jaelo sa biglang pagsigaw ng babae kaya agad syang napatingin dito ng masama. But that kind of glare fades when he saw her blonde hair.

Seryoso ba silang pinapasok nila ang isang 'to rito?

"B-Bakit ba?" Tanong pabalik ni Yunha sa dalagang nakapikit pa rin dahil sa antok na nararamdaman nya. Kunot ang noo nito na para bang pinipilit pa rin ang matulog, ngunit hindi. Nang marinig nya ang boses ni Yunha ay agad na nawala ang kunot-noo nito at napalitan ng walang emosyong mukha.

Nang tignan ng binatang si Jaelo ang mga mata nito, at agad itong nagbukas at sinalubong ang tingin nya. Nabigla si Jaelo sa mga mata ng dalaga kaya agad syang napaiwas ng tingin at napakagat ng lowerlip.

Damn, hazelnut eyes.

"You're all being nonsensible," panimula ng dalagang nasa dulo ng classroom, wala pa 'ring emosyon. "Tinitigan ka lang gusto ka nang pakasalan? What the actuall hell, people? Jejemon pa rin ba talaga kayo?"

Natahimik ang mga kaklase nya dahil sa sinambit nya. Habang sya'y nakaupo pa rin habang malumanay na nakatitig kay Yunha at sa mga kaibigan nya.

"You're a girl for pete's sake. Aren't you suppose to be more girly? Hindi 'yung tinignan ka lang feeling mo dalagang pilipina kana. Nonsense," bumaling naman agad ang dalaga sa lalaking ngayon ay nakanganga dahil sa amusement. Nabalik sya sa realidad ng taasan sya ng kilay ng dalaga. "At ikaw binata, kung gusto mo ang isang babae, lapitan mo. Sinasayang mo oras mo kakatitig sa maling tao."

Kumalampag ang ulo nya sa desk nya matapos nya itong sabihin at nadinig muli nila ang snores ng dalaga na para bang mabilis syang nakatulog, habang takang nakatingin pa rin sakanya ang binatang amuse na amuse sa ginawa at sinaad ng dalaga sakanila.

He just shrugged it off, bago tumingin muli kay Yunha na namula muli dahil sa ginawa nya.

Lisa Macallon ang pangalan nya hindi ba?

before i die || lizkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon