0:78

290 12 7
                                    

After 3 years

"Hindi ka ba sasama?"

Napatingin ang dalaga sa binatang nakunot ang noo dahil sa init. Mukhang naiinip na talaga ang lalaki sa paghihintay kaya natawa ng bahagya ang babae bago agad na sumama patungo sa kotse.

"It's been a while, right?" Saad ng babae ng makasakay na sya sa kotse. Tumango ang lalaki na halata ang lungkot sa mukha nya. Hindi maalis ang lungkot na 'yon hangga't hindi nila nakikita ang taong 'yon.

Bumyahe sila patungo sa destinasyon nila sa umpisa palang.

Sa sementeryo.

Nagkalat ang mga puntod ng mga yumao, at habang hinahanap nila ang tamang puntod ay nahagip ng mga mata nila ang dalawang magkasintahan na mukhang kagagaling lang sa puntod.

"Gennie? Klinton? Galing rin ba kayo do'n?" Gulat na tanong ng babae sa dalawa na tumango lamang.

"Kinamusta lang namin s'ya," ngiting saad ni Klinton. "Pati yung puso kong patay na patay kay Gennie."

Kinangiwi ito ni Gennie at kinurot ang lalaki. "Kahit kailan walang pinipiling lugar 'yang kakornihan mo."

Tumawa sila dahil sa sinabi ni Gennie na kinanguso ni Klinton. Bumubulong pa nga ito ngunit nakatikhim na naman s'ya kay Gennie ng isa pang kurot. Iniisip ng isa pang babae na mukhang masaya naman sila sa mga buhay nila.

"Samahan na namin kayo do'n, sabay na tayong umuwi." Giit ni Gennie habang hawak ang tainga ni Klinton na hinihila habang patungo muli sa puntod na pinuntahan na nila kanina.

"H'wag na, mauna na kayo." Usal ng babae pero nagpumilit pa rin si Gennie na sasamahan sila kaya hindi na nila ito napigilan.

Nakita nila ang puntod. May nakalagay ng bulaklak at kandila na nakasindi na mukhang galing kila Gennie. Umupo sila sa harap nito ng may ngiti sa labi.

"Miss na kita," bulong ng lalaki. "Joanne."

Tumango ang babae na katabi nya at ngumiti ng matamis. "Sayang, marami pa naman akong laruan na binili para sana sa'yo... Pero salamat ng marami, bata."

"Kung hindi dahil sa'yo, baka wala na ko." Bulong babaeng may kulay peach na buhok at matatabang pisngi. Hazel-nut na mga mata at makinis na balat.

before i die || lizkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon