Tumingin ang dalaga sa orasan ng silid-aralan nila bago binagsak muli ang mukha nya sa kanyang desk. Napansin 'yon ng teacher nila kaya't agad syang pinatayo nito."Ms. Macallon! Stand up, now!"
Pinaikutan nya ito ng mata bago tuluyang tumayo. Na sakanya lahat ng mata ng kanyang mga kaklase, kasama ng mga matang pilit na iniiwasan nyang tignan. Gusto nyang ibagsak muli ang ulo nya sa kanyang desk pero baka pag-initan pa sya lalo ni Ms. Balunbalunan.
"Anong sa tingin mong ginagawa mo? Are you aware na nasa klase ka't wala sa kalsada?!" Sigaw ng matanda sakanya.
Tinignan nya ito ng malamig bago sinagot ang tanong nya. "Natutulog ako. Ikaw? Nagtuturo ka ba o nagtatalak dyan?"
Napanganga ang buong klase dahil sa sagot ng dalaga, lalong-lalo na ang guro nyang ngayon ay nanggagalaiti sa galit. Sisigawan muli sana ni Ms. Balunbalunan ang dalaga ng bigla ang isang malakas na tawa mula sa unahan ng klase. And it was Jaelo, na ngayon ay nakahawak sakanyang tyan habang tumatawa.
Sa sobrang galit ng matanda dahil sa pamamahiya ng dalawa sakanya. Agad nya itong sinigawan at pinalayas sa silid-aralan.
"You two! Detention room, now!"
"Tsk." Angal ng dalaga ng papasukin sila ng guro nila ng marahas sa loob ng detention room. Ilang beses na rin syang napunta rito kaya what's use of mumbling something? Hindi rin sya makakalabas dito unless gagawin nya ang lagi nyang ginagawa tuwing napupunta rito.
"1 hr kayo dito, and make sure na hindi kayo tatakas. Kung hindi-"
"Right. Pwede ka nang umalis." Saad ni Lisa bago pumunta sa pinaka-dulo ng kwarto at umupo sa upuan. Sila lamang ang nandito kaya okay lang.
Nainis muli ang matanda dahilan para dagdagan pa ang oras ng parusa nila. Mukhang nadamay na rin si Jaelo sa kagagawan ni Lisa ngunit hindi sya umangal sa dagdag na oras. Subalit napangiti na parang baliw sa gilid. Hindi ito nakita ni Lisa dahil nakasalampak na naman ang ulo nya sa desk at pilit na natutulog. Umalis na ang guro nila at sila nalang ang nasa loob ng detention room.
"Hoy."
Napaangat ng tingin si Jaelo ng makita nyang nakatingin sakanya ang dalagang si Lisa ng malumanay.
"Bakit?"
"Kung umupo ka kaya? Ako nangangalay sa'yo, e." She blurted out bago tinuro ang upuan sa tabi nya gamit ang nguso nito. "Dito sa tabi ko."
Hindi alam ni Jaelo kung bakit bahagya syamg napalunok ng tignan sya nito ng malamig. Wala syang naga kung hindi umupo sa tabi ng dalaga ng tahimik bago nilabas ang phone nya.
Nakayuko lang si Lisa sa desk nya at mukhang natutulog habang si Jaelo naman ay nakatingin sa kanyang cellphone bago chinat ang babaeng kinukulit sya these past few days.
Nagsend ang mensahe nya, at saktong pagka-sent nito ay ang pagtunog ng cellphone ng dalagang katabi nya na ikinataka nya.
Chinat nya muli ang dalaga at nagtaka muli sya ng marinig nya ang phone ni Lisa na tumunog. Napatingin ang binata sa bulsa ng dalaga bago nakitang nakabukas ang phone nito, sign na may nagcha-chat sakanya.
"Don't tell me.."
Napahinto ang binata ng makita nyang iba ang pangalan ng taong nasa cellphone ng dalaga. And he sighed in relief.
"Akala ko 'tong weirdong 'to 'yung babaeng 'yun, e. Asa."
Narinig 'yon ng dalaga kaya agad syang napadilat at napakagat sa labi nya.
Kung i-silent mode ko kaya 'to minsan? Kainis.
BINABASA MO ANG
before i die || lizkook
Fanfiction- a story that will tell you how skyler batumbakal fall in love with someone within 30 days and will still love him even on her last minute. - Epistolary 1: Jeon Jungkook x Lisa Manoban