0:75

177 11 0
                                    


TUMAYO ang dalagang si Lisa bago bumuga ng malalim na hininga. Nasa loob sya ng classroom ng mabasa nya ang mensahe ni Jaelo para sakanya. She wasn't that stupid para hindi sumipot at paghintayin si Jaelo ro'n pero hindi nya lang talaga makuha kung bakit kailangan nilang magkita.

"I'm the one who get attached, pero bakit gigil na gigil syang makipagkita sa akin? Sino ba sya sa inaakala nya?" Bulong ng dalaga habang nakatitig sa labas ng bintana. Nasa labas na ang mga kaklase nya dahil nag-dismiss na ang klase pero hanggang ngayon, narito pa rin sya sa loob ng classroom at nag-iisip para sa walang kwentang bagay.

Napagdesisyunan nyang tumungo kahit hindi nya alam ang gagawin. Kahit sya ang pinaka-weirdong kaklase ng mga kaklase nya ay hindi nya pa rin malaman ang dahilan kung bakit kailangan nilang magkita.

Pagkalabas nya ng classroom ay nabigla sya ng makita nya si Lleisa na nakangiti sakanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ng dalaga ng makita nya ang kakambal na suot-suot pa rin ang ekspresyon nyang hindi nya gustong makita.

"Come on, Sis. Bati na tayo hindi ba? It's your last day so..."

Napasinghap si Lisa ng hawakan sya ni Lleisa sa kamay bago hinila sa isang yakap na kinabigla lalo nito. Hindi nya ito inaasahan dahil alam nyang galit pa rin ang ate nya sakanya. But to think na ramdam na ramdam nya ang luha sa balikat nya ay agad syang natikhim ng bahagya bago niyakap ito ng mahigpit pabalik.

"I'm sorry for not forgiving you. For not being a good sister to you. I'm stupid enough to let anger inside me eat me and make my sister suffer for no reason. Pasensya na, kahit sa huling hininga mo, hindi pa rin kita napatawad sa kasalanang hindi mo ginawa."

Niyakap sya lalo ng mahigpit ng kakambal bago ito humiwalay. Nakangiti si Lisa sa kanyang kakambal habang ito'y lumuluha.

"Pasensya na, ginagawa kong miserable ang buhay mo. I controlled your life, para ka lang nabubuhay ng hindi humihinga." Bulong nito bago sinuot ang ngiti nyang katulad na katulad ng mga ngiti ni Lisa. That made her smile widely bago hinawakan ang balikat nito.

"It's okay, Ate. I already forgiven you since day one. At hindi ko lang talaga matanggap na ngayon pa tayo nagkasundo kung kailan mawawala na ko sa tabi mo."

Humingi muli ng tawad si Lleisa ngunit pinatahimik na sya ni Lisa.

"May pupuntahan pa ko sa park, paalam."

Bago pa man sya makaalis ay pinigilan sya ni Lleisa bago pinakita ang sulat-kamay na nakalagay sa isang sobre. Isa itong mensahe mula kay Jaelo kaya agad nya itong kinuha.

"Nasa rooftop na sya?"

"Klinton? Gennie? Bakit kayo nandito?"

Hindi nagbago ang mukha ni Gennieve habang si Klinton ay nakangiti sakanya as if he's about to say something surprising. Alam ni Lisa ang ngiting 'yon for some reason.

"I'll miss you, Lis." Niyakap sya ni Gennieve bago hinimas ang likod nito ng mahigpit at tuluyan nang kumalas.

Ngumiti lang si Lisa sakanya ng maliit bago tumingin kay Klinton na nakanguso na naman na halatang pinipigilan kurutin ang pisngi ni Lisa na kinatawa nito.

"Sige, kurutin mo na ko." Nakangiting saad ni Lisa bago kinuh ang kamay ni Klinton at inilagay sa malalambot na pisngi nya.

Naramdaman nya na kinurot na sya ng binata ng mahigpit pero hindi nya 'yon ininda at nanatiling nakatingin sa dalawa nyang kaibigan. Naging parte sila ng buhay ng dalaga, at sapat na 'yon na dahilan para malungkot sya lalo.

before i die || lizkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon