"Lisa?"Napahinto ang binata sakanyang nakita: Isang dalagang nakasuot ng isang loose shirt at black jeans. Kitang-kita sa leeg nito ang tattoo na may kung anong ibig sabihin.
Naguguluhan ang binata ng makita nyang iba ang mga mata ng taong nasa harap nya. Kung ang taong inaasahan nya ay may nakakamamatay na ngiti, ito naman ay may nakamamatay na mga mata. Nakatingin lang ito sakanya with those deadly eyes habang nakasukbit sa labi nya ang lollipop habang nakalagay sa bulsa ng hoodie na suot nito ang kanyang mga kamay."Matutulungan mo na b-ba ko?" Hindi malaman ang dahilan kung bakit biglang nautal ang binata. Ngunit ang tanging alam nya lang ay ang pagngisi ng dalagang nasa harap nya bago ito tuluyang humarap sakanya.
Napaatras ng bahagya ang binata at iwinakli ang naririnig nyang pagtunog ng kanyang cellphone mula sakanyang bulsa. Nakaramdam sya ng kaba ng unti-unting humakbang ang dalaga lugar na tinatayuan nya.
"Hindi ka si Lisa, tama ba?" Matapang na saad nya, na nakapagpalaki ng ngisi ng dalaga na unti-unting ngumiti, gaya ng ngiti ng babaeng inaasahan nya kanina rito.
Tumango ito bago tinanggal ang lollipop sa bibig nya bago dinilaan ang labi nya.
"Who are you? Are you Lisa's Acquiantance?"
Nanlamig ang binata bago napalunok. Damn, bakit feeling ko sya ang lalaki rito?
"Pati ba naman dito sa Pinas puro stupids ang makikilala ko? What a waste." Rinig ni Jaelo ang sinambit ng dalaga kaya he clenched his fist bago nagtanong.
"Sino ka ba?"
Napatigil ang dalaga sa tanong ni Jaelo at ngumiti sa binata. Inilahad ng dalaga ang kamay nya sa binata bago nagpakilala.
"Lleisa Macallon-Smith, kapatid ni Lisa."
Hinila sya nito bago marahas na hinalikan ang binata na kinagulat nito.
Lingid sa kaalaman nila ay may nakatingin sa kanila mula sa pinto, habang nanggagalaiti sa galit.
"Bakit ko ba itinuro ang mga batas na 'yon sakanya?" Inis na bulong nito bago tuluyang pumasok sa rooftop.
Natigil ang ginagawa ni Lleisa kay Jaelo na mukhang gulat na gulat sa nangyari. Napangisi ang dalagang si Lleisa ng makita nyang nandito na ang kanyag kapatid.
Lumapit si Lisa kay Jaelo bago ito hinawakan sa kanyang palad at hinila palayo sa dalaga.
"You can run, but you can never hide, mark my words, bata!"
BINABASA MO ANG
before i die || lizkook
Fanfiction- a story that will tell you how skyler batumbakal fall in love with someone within 30 days and will still love him even on her last minute. - Epistolary 1: Jeon Jungkook x Lisa Manoban