0:76 (Jaesoo and Suran)

212 7 0
                                    

Jaesoo

Tumingin ako sa paligid ko. Nasa labas na ako ng school pagkatapos ng scene namin kanina sa rooftop. Nakahinga na nga ako ng maluwag matapos ng lahat ng sinabi ko kay Suran kanina. He deserved it after all. Ayoko sa mga paasa.

"Jaesoo."

"Ay putakte! Ano ba?! Bakit ka ba nangugulat!?" Napahawak ako sa dibdib ko bago tumingin sa lalaking hinihingal pa na mukhang tumakbo na kinataka ko. Hindi nya gusto ang tumatakbo pero bakit hingal na hingal 'tong ugok na ito?

Nang mahabol nya na ang hininga nya ay tumingin sya sa akin ng seryoso bago nagsalita.

"May sakit si Dad, 'yung tunay kong tatay. At hindi alam ni Gennie 'yon dahil tinago ko."

Napakunot ang noo ko, and at the same time, naguluhan. Bakit nya sinasabi sa akin ito? May kinalaman ba ko sakanila? Hindi ko naman sya kaano-ano, right? Right. Wala naman siguro akong karapatan na pakinggan sya since I am just no one, para sakanila. Para sakanya.

Magsasalita na sana ako ng hindi nya ako pinasimula gamit ang mga salitang hindi ko inaasahan.

"Sasabihin ko na sa'yo kung bakit hindi kita pinapansin although you're the one that made me feel special for some reason."

Nanlaki ang mata ko and I felt speechless. Hindi ko aalm ang sasabihin ko. Pinapaasa nya na naman ba ako? Kung oo, then siguro mas maganda kung umalis na ko. Masyado nang sobra ang mga kasinungalingan nya, dadagdagan nya pa?

Tatalikod na sana ako ng magpatuloy sya sa pagsasalita.

"I don't want to get attached. Ayaw kong mawala ang mga tao sa paligid ko dahil sa akin, gaya ng nangyari kay Dad." Halos bulong nalang ang narinig ko pero napahinto ata ang tibok ng puso ko sa narinig ko. "He died, a year ago. At hindi ko gustong malaman na kahit sino na may nawala dahil sa akin."

Tumingin ako pabalik sakanya ng gulat na gulat. Namatay ang tatay nya ng hindi nya sinasabi kay Gennieve? Bakit? Hindi ko maintindihan ang lahat! Namatay ang tatay nya dahil sakanya?

"I got too attached to Dad, to the point na pati sya nadamay sa mga kagaguhang ginawa ko. Siguro sapat na dahilan 'yon para lumayo ako sainyo ng kahit kaunti. But you came." Tumingin sya sa mga mata ko. "Nawala lahat ng sakit ng ulo ko dahil sa ginawa mong pagpapapansin sa akin. Pero sa tuwing naalala ko si Dad, sa tingin ko ay mas kailangan kong lumayo."

"Jaesoo, I'm sorry."

Napahawak ako sa dibdib ko bago tumingin sa mga mata nya at pinipigilan kong umiyak. All this time, Suran? Really?

You're hurting yourself too much.

"T-Teka, bakit ka umiiyak?" Gulat na saad nya bago naghanap ng panyo sa bag nya at agad na binigay sa akin.

"Sorry.." Bulong ko, sapat na para marinig ni Suran at mapahinto sa pagkakataranta at naestatwa sya.

"It was painful.." Bulong ko. Ang mga mata nya ay nalungkot ng bahagya habang ang labi nya ay nakangiti ng maliit. A sad smile.

"Sorry, I shouldn't have told you after all. Ang panget mo pa naman umiyak."

"Mali ka!" Sigaw ko bago pinunasan ang luha ko. "Mali ka, Suran. Masaya ako dahil sinabi mo sakin 'yung totoo."

"I didn't know anything. Akala ko ayos lang ang lahat at sadyang masungit lang ang lahi nyo but I never imagined for a second.." Aniko. "I've said so many.. terrible things. Pasensya na.."

Yumuko ako at pinunasan ang mga luha ko. Tumigil na sila sa kakatulo na kinatikhim ko bago tumingin kay Suran na nakayuko at halos hindi ko na makita ang mga mata nya.

"Pasensya na rin, for not telling you sooner."

"I didn't want to scare you with my current situtation. I didn't want you to see how hard I have to work," tumingin sya sa akin bago ngumiti.

"Because I like you, and I was scared telling you all of this would make things weird between us. At naiinis ako dahil do'n."

Napaawang ang bibig ko at napahawak ako sa dibdib ko ng bahagya. Gusto nya ako? Hindi talaga sya nagsisinungaling? Hindi talaga nya ako pinapaasa? Is this really the thing he's been feeling noon pa? Sa simula't sapul? Sa beginning?

"Imposible." Hindi makapaniwalang saad ko but he just scratched his nape bago ngumiti sa akin ng bahagya.

"Tao rin ako, gusto kong magmukhang kalmado and composed sa harap ng mga tao, and especially in front of the one I'm in love with."

Napatitig ako ng diretso sa mga mata nya. Damn. Sobra sobra na 'to para sa isang pangarap. Hearing him saying those words in front of me? Grabe, heaven!

Nalungkot ako ng yumuko sya at sinabi ang naramdaman nya sa sinabi ko kanina sa rooftop.

"So when you started confronting me, earlier. I started to lose spirit and it was hard on me," nakayuko nyang sambit. "But if that hadn't happened, siguro ay nag-aalala pa rin ako sa sarili ko. Nagpapakatanga ako ng ilang araw, before you came. Para akong tumatakbo ng hindi tumitingin sa daan, when you threw a stone at me to force me to stop and it was powerful enough to make me fall."

"Bato?" Nakangiwing saad ko pero hindi nya ako sinagot.

"Gamit 'yon, I was able to take a better look around me, at makita ang mga taong nag-aalala para sa akin. That thought made me realize that I should find a different path to take," aniya. "My whole situation may not change a bit, pero na realize ko na ang nararamdaman ko ay hindi mali. Gusto ko pang maglakad hanggang sa matapos ang lahat. And I learned I can't do the impossible and I have to start facing forward as well."

"Gusto kita, and I want you to know it since I don't want you to hate me even more."

Niyakap ko sya ng pagkahigpit-higpit na kinabigla nya pero ipinikit ko lang ang aking mga mata bago dinama ang mainit na bisig nya. Naramdaman ko ang mga kamay nya na hinihimas ang likuran ko na kinangiti ko.

God, gaya nga ng sinabi ko kanina, this is too much to ask, but it did happen.

"So, tayo na?"

Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa tinanong ko. At talagang ngayon ka pa umasa ng todong-todo ano? Baka mamaya, ino-offer nya lang pala ay friendship at hindi relationshit? Nakakahiya ka talaga kahit kailan!

"I expecting you to play hard to get pero kung 'yun ang gusto mo, then let's date."

OKAY. PAPADALA KO NA YUNG TANKE NG OXYGEN NI KEIROSS MAMAYA SA BAHAY.


before i die || lizkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon