Next day; 24th day
Hawak-hawak ang tray na kinuha ko galing sa counter, dumiretso agad ako sa table ng mga kaibigan ko.
"So nililigawan ka na talaga ni Vaughn? Oh my gosh!"
Bumbalot ang kasiyahan sa table namin ng binalita sa amin ni Kei na nililigawan na sya ng taong gustong-gusto nya. Kahit papaano ay gumagaan ang puso ko kapag nakikita kong ayos lang talaga sila sa mga buhay nila.
Pagka-upo ko pa lamang ay agad akong napatigil ng tignan nila ako ng bahagya, at nakakakilabot talaga.
"Ano na naman?" Taas-kilay kong tanong bago nilantakan ang burger sa tray ko.
Tumingin sa akin si Gennieve ng malamig nyang expression, habang si Kei ay parang asong gala na ngayon lang kakain at no other than the great bitch, Jaesoo, nakangiti sa akin na para bang ngayon lang muli sya nakangiti ng dahil sa isang bagay. Ewan ko ba, pero masama ang kutob ko sa tingin nila.
"Ikaw, anong balitang-ina sa inyong dalawa ni ano," nginuso ni Jaesoo ang labi nya sa gilid, tinuturo ang table nina Klinton. "Ni lover-boy?"
Huminto ako sa pagkain at naalala ko ang pinag-usapan namin ni Jaelo kagabi.
Kwinento ko sakanila ang lahat ng mga pinag-usapan namin ni Jaelo, mula unang-una.
"So, hindi na ba talaga pwedeng dagdagan 'yung araw? Beh, alam naming nahihirapan karin pero, kailangan ba talagang sinasayang mo 'yang mga huling oras mo para sa pakikipag-usap sa taong 'yun? Try to do something new! Malay mo, may kulang lang talaga sa'yo, gaya ng sinasabi ng doctor. And all you have to do is to seek for that."
Tumango ako bago ngumiti. "You can't blame me, he's too good to be true."
Tumayo ako at umalis ng walang paalam sa mga kasama ko. Pinag-iisipan ang mga katagang sinaad ni Kei kanina.
"Hanapin ang hindi na mahahanap? Nakakagago naman ang isang 'yon."
BINABASA MO ANG
before i die || lizkook
Fanfiction- a story that will tell you how skyler batumbakal fall in love with someone within 30 days and will still love him even on her last minute. - Epistolary 1: Jeon Jungkook x Lisa Manoban