Nilisan ni Lisa ang silid-aralan ng makasalubong nya ang lalaking hindi nya inaasahan. Naka-yuko habang suot-suot ang hoodie nya, nakasandal sa harap ng classroom kung nasaan sya kanina. Napabuga sya ng malalim na hininga at maglalakad na sana palayo sa lugar ng magsalita ang binata.
"Greetings," napatigil sya dahil sa malamig na boses nito. "Lisa."
Aalis na sana muli ang dalaga ng maramdaman nya ang malamig na kamay ng binata sa kanyang kamay at nagbigay ng kakaibang kuryente, na dumaloy sa buong katawan nya na hindi nya inaasahan.
"What do you want, Jaelo?" Malamig na tanong ng dalaga at marahas na hinila ang kamay nya mula sa pagkakahawak ng binata. Humarap sya rito bago tinaasan ng kilay. "Mukha yatang malaki ang problema mo to think na ako ang nilalapitan mo ngayon? Akala ko ba answer lang sa exam ang gusto mo mula sa akin?"
Napakagat sa labi ang binata na kinataka ng dalaga. Kumunot ang noo nya ng mapakamot pa ito sa kanyang batok bago sinabi ang gusto nyang malaman.
"Gusto ko lang sana malaman kung paano ba umiwas sa gulo na sinimulan ko."
Natawa ang dalaga sa sinambit binata na kinataka ni Jaelo, ngunit nanatili syang tahimik at hinihintay ang sagot ng dalaga. Mabilis na tumigil ang dalaga sa pagtawa ng maramdaman nya ang malalim na tingin ng binata sakanya. Umubo sya bago ngumiti ng sarkastiko sa binata at tinaas ang kamao nya.
"Simple," tinaas nya ang hinliliit nya. "Una, dumiretso ka mula sa lugar kung nasaan ka't huwag lilingon," tinaas nya ang palasingsingan nya. "Pangalawa, pumunta ka sa kanan mula sa lugar kung nasaan ka," tinaasan nya ang kasunod na daliri habang suot oa rin ang ngiti na napaka-misteryoso.
"Pangatlo, umakyat ka kung saan may hagdan at patuloy na umakyat hanggang sa makarating kasa dulo ng lugar na iyon," tinaas nya ang hintuturo nya bilang sunod na rule. "Pang-apat, huminto ka sa mismong lugar kung nasaan ang iyong kinatatayuan."
"Pang-huli, lumingon ka sa kanan, at makikita mo kung ano ang kailangan mo."
Iniwan ng dalaga ng gulong-gulo ang isipan ng binata dahil sa sinambit nya. Umakmang susuntukin ng binata sa ere ang dalaga mula sa malayo habang nakanguso na parang bata, tila ba naiinis.
"Sino bang niloloko ko? Hindi ako matutulungan ng weirdong 'yon. Tsk."
Forward. Right. Upstairs. Stop. Then right.
BINABASA MO ANG
before i die || lizkook
Fanfiction- a story that will tell you how skyler batumbakal fall in love with someone within 30 days and will still love him even on her last minute. - Epistolary 1: Jeon Jungkook x Lisa Manoban