TAYO

48 3 0
                                    

TAYO
salita ni Ayradel

Hindi ko rin alam
Kung ano ba tayo.
Tayoㅡ
sa kilos, salita, gawa
Pero hindi sa pagkakaalam nila
Mahal natin ang isa't isa
Tayo ay nagkakaintindihan
Sa tinginan,
Sa ngiti,
Sa mensahe...
Pero sadyang,
Kahit siguradong iyo na,
Hindi rin pala,
Hawak mo na,
Pero 'yung dulo lang pala.
May mga bagay talaga
Na kahit nandiyan na...
kailangan mo pa ring hintayin para maging iyo talaga.

She and Her Overflowing ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon