Lumaki akong tila di masinagan ng araw
Sa ilang sulok ng bahay lamang nakagagalaw
Mga kalaro ko ay puro mga manyika
Habang pinagmamasdan sa labas, naglalarong mga bata
Ang kinwento ni Inay ay natatandaan pa
Pagkatapos daw ipanganak, ako'y muntik nang mawala
Ilang libong pera kanilang iginasta
Upang buhay ko ay maisalba pa
Mula noon ay natakot na sila
Maulit pa ang pakiramdam, na ang bumubuhay sakin ay makina
Nararamdaman ko ang pagmamahal nila
Ngunit... minsan, hindi ko rin maiwasang mainggit sa ibang bata
BINABASA MO ANG
She and Her Overflowing Thoughts
Random░r░a░n░d░o░m░ Welcome to my organized thoughts. Lol. Here you can read my song parodies about Wattpad, poems, original songs, random thoughts and so on.