MAHAL, ALAM KONG MAHAL KITA DAHIL...
salita ni Ayradel
Mahal,
Alam kong mahal kita
dahil
sobra na akong namimilipit sa sakit
ngunit mas pinili kong mamilipit sa kilig dahil ikaw ang nasa tabi ko.
Dapat sa mga oras na 'to
Nakakurba na ang buong katawan ko habang nakahawak sa puson
Ngunit, Mahal,
Alam kong mahal kita
Dahil mas pinili kong labi ang aking ikurba sa tuwing may sasabihin kang biro
na minsan ay 'di naman nakakatawa.
Alam kong mahal kita
Dahil imbis na magsungit
Mas lalo akong sumasaya
Alam kong mahal kita
Dahil imbis na magreklamo sa sakit
Ay wala na akong iniinda
BINABASA MO ANG
She and Her Overflowing Thoughts
Різне░r░a░n░d░o░m░ Welcome to my organized thoughts. Lol. Here you can read my song parodies about Wattpad, poems, original songs, random thoughts and so on.