Ipikit Mo Ang Iyong Mata

61 1 0
                                    

Ipikit mo ang 'yong mata
Namnamin ang kadiliman
Ganyan ang pakiramdam
Ng hindi mo nakakamtan
ang karapatang
para sa'yo naman..
Ngunit kailangan mo pang ipaglaban.

Ipikit mo ang iyong mata
At isiping
walang tinig
na lumalabas
mula sa 'yong bibig
Paano mo ngayon sasabihing ibig
mong makipagkaibig an...?
Kung ang kaya mong gawin ay
mga senyas na hindi nila alam?

Ipikit mo ang 'yong mata
Pakiusap
Pagkatapos ay subukan mong alisan
ng pakiramdam
ang dalawa mong paa
Kaliwa't kanan—
Hawak mo man ang papel
na nagpapatunay na
KAYA MO NAMAN
Ngunit hindi ka pa man nakakatapak
sa opisina nila
Ikaw ay agad na hinusgahan
na hindi mo kayang magtrabaho
Dahil lang may gulong ang 'yong inuupuan...

Kahit nga ang pagaaral na karapatan naman ng lahat
ay mahirap pang makuha
...dahil ano?
Kulang ka?

Ngayon ay buksan mo na
Hindi ang 'yong mga mata
Kundi ang puso mo
sa mga karapatan na meron sila

Alalahanin ang lahat ng nakita mo noong nakapikit ka...

dahil ngayon ay maaari mo nang idilat ang 'yong mata.

She and Her Overflowing ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon