I've never experienced LOVE. Or I didn't just know if it is love or what? Ang alam ko lang, tahimik sya at curious ako. Kakaiba siya at interesado ako. I stalked him. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan nung mga panahong iyon. Marami akong nalaman kahit marami parin akong hindi alam. We talked. Naramdaman kong may something between sa amin, hanggang sa umamin na nga sya isang araw. I NEVER ASSUMED — kasi yon yung pinakaayoko talaga. Ayokong maniwala pero pinaniwala niya ako. Ayokong magtiwala pero masyado siyang matalino para magawa iyon. And that time, he finally had my whole attention. He finally had a huge space on my mind. Naramdaman ko na lang na parang bumaligtad yung position namin n'on. Bakit parang ako na ang nagkakagusto— mali, bakit parang ako na LANG ang nagkakagusto sayo? Once a week na lang sya magparamdam o minsan once a month na lang. Yung dating gabi-gabing pagtawag niya biglang nawala. Yung clear na sinabi niya dati na 'GUSTO KITA', unti-unting lumabo bigla. Ang labo na. Hindi ko na maramdaman. Iniisip ko kung may mali ba akong nagawa, o masyado akong naging easy to get, o yung mga pinakita't sinabi niya ay mga trip lang?
BINABASA MO ANG
She and Her Overflowing Thoughts
Random░r░a░n░d░o░m░ Welcome to my organized thoughts. Lol. Here you can read my song parodies about Wattpad, poems, original songs, random thoughts and so on.