Simula
CERTIFIED: Positive ThinkerLove, is worse the second time around.
Mas mahirap sagutin ang mga what if's.
Mas mahirap mag-risk ulit.
Mas mahirap basahin ang tunay nyang nararamdaman.
At higit sa lahat, mas mahirap mag-assume, dahil...
Mas masakit kapag nagkamali ka nanaman.
"Rain!" siniko ko ang nagbabasang bestfriend ko, isang araw habang tumatambay at nakiki-seat in kami sa library. "My gosh! Nakita mo ba yon?" tanong ko kaya nilingon nya ako.
"Ang alin?" tanong nya, isinara ang libro at bored na hinarap ako.
"Si Amiel! Tumingin saken!" halos mag-hysterical na ako sa sobrang kilig. Hinawakan ko pa ang braso nya at niyugyog-yugyog iyon.
Sino si Amiel? Sya lang naman ang napakagwapong asawa ko na heartthrob at varsity player dito sa campus na ito. Actually, ako lang ang nakakaalam na mag-asawa kami. Eh, ano naman? Wala kayong pake dahil sa akin din naman talaga ang bagsak ng Amiel Rodriguez na yan. Sa simbahan din ang tuloy namin! At walang sinuman ang makapipigil non! Bwahaha!
"Tss. Tumingin lang, Sumi. Tumingin lang. Hindi ka pa sinasabihan ng I love you." sabi ng KJ kong bestfriend at yung libro nya nanaman ang hinarap. Ayan, nagsusungit nanaman ang mokong. Tsk, ba't pa ba ako nagtataka eh, daig pa nga pala nyan ang kasungitan ng babaeng may dalaw!
"Asus, selos ka lang kamo." pang-aasar ko at tinusok sya sa tagiliran. Umiling-iling sya kaya tumawa lang ako at nag-cling sa braso nya. "Wag kang mag-alala, since ikaw ang bestfriend ko, ikaw ang kukuhanin kong best man sa kasal namin. Hihi."
Ayaw nya akong intindihin kaya naman kinuha ko yung librong binabasa nya. Dahil d'on ay bumuntong-hininga sya na parang napapagod na sa kakulitan ko at nilingon ako. Sa sobrang lapit ay kitang-kita ko ang features ng mukha nya. Yung scar niya talaga yung pinaka-highlight ng pagkatao niya. Ang gwapo ng bestfriend kong 'to! No wonder kung bakit grabe rin kung makahatak ng babae 'tong si Rain. Kaso snobber ang loko. Peymus eh.
"Alam mo, Natsumi Shan," sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko sure na kung bakit noong oras na yon ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Kayong mga assumera, malakas lang makapag-assume sa mga taong gusto nyo. Pero ang totoo, manhid kayo. Manhid ka, pagdating sa nararamdaman ng ibang tao."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Ha? Ako? Teka, Rain." tumayo na si Rain, lumabas ng library at iniwan ako doong may iniisip.
Assumera ba ako? Hindi naman diba? Positive thinker lang.
BINABASA MO ANG
She and Her Overflowing Thoughts
Losowe░r░a░n░d░o░m░ Welcome to my organized thoughts. Lol. Here you can read my song parodies about Wattpad, poems, original songs, random thoughts and so on.