Paulit-Ulit Ang Pasko (Unused Script)

156 7 0
                                    

(AN: Not related here. XD Script lang ito na ginawa ni Author na hindi nagamit XD Wala lang. Ayokong maabandona. Baka lang yung iba sa inyo magamit to XDDD Gegege.)

"PAULIT-ULIT ANG PASKO" 

CHARACTERS: 
Mang Kanor 
Jana 
Nanay 
Tatay 
Griselda - pinsan 
Tita 
Narrator 
------- 


NARRATOR: Ang Simbang Gabi ay bahagi na ng buhay ng tao. Sabi ng ilan, isa ito sa mga gawaing hindi dapat makalimutan ninuman lalo na ngayong buwan ng Disyembre na kung saan lahat ay naghahanda para sa panahon ng Kapaskuhan -- ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo. May paniniwala tayo na kapag nakumpleto natin ang 9 na gabi ng pagsisimba, matutupad ang mga hiling mo. Isa sa mga naniniwala sa kasabihang ito si Jana, batang may labing-anim na gulang na. 

{SETTING: Bahay} 

JANA: Griselda! Bilisan mo naman! 

GRI: OO! Eto na! Eto na! (lalabas) Masyadong atat eh! 

JANA: Late na kaya tayo sa misa! Lika na nga! 

GRI: Psh. (gaya) Late na kaya tayo sa misa. Nyenye. 

NARRATOR: Habang naglalakad ang magkaibigan papuntang simbahan, nadaanan nila ang isang matandang lalaking nakaupo sa gilid ng simbahan. 

JANA: Hoy, bruha. Sino yung pinagtitinginan ng mga tao? 

GRI: Di mo kilala? 

JANA: Ay bobo lang teh? Kaya nga nagtatanong eh. 

GRI: Ano ka ba? Si Mang Kanor yan! Regular syang pumepwesto sa harap ng simbahan tuwing malapit na ang pasko o kahit november pa lang at walang tigil nanaman sa paggawa ng parol! 

JANA: Anong ginagawa nya sa parol? 

GRI: Siguro ginagawa nyang flying saucer. -_- Jusq nemen. Baka ititinda. Ewan. Tara na. 

NARRATOR: Kahit nagpatuloy na sila sa paglalakad, nanatili pa rin sa matandang lalaki ang tingin ni Jana. Nagulat sya nang bigla rin sya nitong tinignan at nginitian. 

{CHANGE SETTING: Simbahan} 

JANA: Sandali, Gri. May naramdaman akong kakaiba dun sa matanda? 

GRI: OMG! Inlove ka? 

JANA: Bobo hindi! Parang ang gaan ng loob ko? 

GRI: OMG! Ampon ka? Sya tunay mong ama?! 

JANA: Aysusme! Pasok na nga tayo sa loob! (matitigilan) Ayan! Wala na tayong mauupuan! Ang tagal mo kasi kanina Griselda eh! 

GRI: Edi dito sa labas na lang tayo! 

NARRATOR: Nagpatuloy pa ang misa at taimtim na nakinig sa mga sermon ng pari ang magkaibigan. Bagamat mga loko-loko ay mababait din naman.

NARRATOR: Iisa lang naman ang hiling ni Jana tuwing nakukumpleto nya ang Simbang Gabi... 

JANA: Sana... Sana umuwi na dito sina Mama at Papa galing ibang bansa. Sana sama-sama kaming magpasko. O kahit magbagong taon man lang. 

GRI: Yan pa din yung wish mo? Ilang simbang gabi na ba nabuo mo na yan yung wish mo? Asa ka pa sa mga magulang mong masyadong workaholic. 

JANA: (lumungkot) Wala namang masama eh kung umasa... 

NARRATOR: Lumipas ang araw at sumapit ang pinakahuling araw ng simbang gabi. Hindi inasahan ni Jana ang tawag mula sa kanyang mga magulang. 

{SETTING: Bahay} 

{SOUND: Ring} 

JANA: Hello? Ma! Nasa byahe po kayo? (hyper) Pauwing Pinas? Uuwi na po kayo ni Papa? Talaga po? (excited) Hintayin ko po kayo mamaya! Sabihin ko po kina tita! 

She and Her Overflowing ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon