CHAPTER 1 – The day it begins
Jeremae’s POV
“Oh my gosh Hansel!! I’m sooo inlove na talaga!!” sabi ko kay Hansel habang nagluluto sya ng hapunan namin na naging midnight snack na. Ngayun lang kasi sya umuwi. Hindi naman ako marunong magluto. Tss.
“Hay nako Jeremae!! Ako dapat ang magkkwento sayo ng pinaggagawa namin ni Brent kanina e, pero since mukang may kung anu na namang nangyari sayo, go!! Kwento na!!”
“Wala akong pake sa love story nyo!! Basta yung amin ng soulmate ko ang mas maganda!” sabi ko.
“Walangya ka talaga!! Oh anu ba kasing nangyare??”
“E kase ganito yun..”
*Flashback
It was a sunny afternoon at mag isa akong naggagala sa mall.
I’m not a loner.
Kasama ko dapat si Hansel e, kaso ayun, ni-surprise sya nung nanliligaw sa kanya tapos ayun, naging sila na at nagdate sila. Inichapwera ako. Sakit nun ha! Wala tuloy akong kasama. Tsk!
Nagpunta nalang ako sa ladies’ section at nagtingin ng damit nang biglang may humila tapos umakbay sakin.
“Girlfriend ko! Kanina pa kita hinahanap.”
O_O
G-girlfriend? Kelan pa ko nagkaroon ng boyfriend??
Napatingin ako dun sa lalaking umakbay sakin..
“Umalis ka na nga!! Magdedate pa kami ng girlfriend ko!!” sabi pa nya.
Tapos tumingin ako dun sa babaeng pinapaalis nya na kaharap namin ngayon na mukang gulat na gulat tapos tumingin ako ulit dun sa lalaking nakaakbay sakin.
*O*
“B-Boyfriend kooo!!” sabi ko dun sa lalaking nakaakbay sakin.
Muka naman syang nagulat. Ang gwapo nya.
Promise!!
“E mukang ngayun ka lang nyan nakita e!! Tingnan mo nga!! Mukang na-Love struck sayo!!” sabi nung babae.
Tiningnan ko sya ng masama.
“Hoy!! Sinu ka bang babae ka?? Bakit sinusundan mo ang boyfriend ko??” sabi ko sa kanya.
“Excuse me!! Ako ang girlfriend nya!!” sabi naman sakin nung babae.
“Girlfriend ka lang pala e!! A-ano?? GIRLFRIEND?!!”
“O----“ hindi natuloy yung sasabihin nya kase biglang sumingit si lalaking nakaakbay pa din sakin hanggang ngayon -___- Napasarap.
“Break na tayo!!”
“W-What??! P-Pero..”
“Sorry..” sabi nung lalaki tapos hinila ako paalis dun sa lugar na yun at iniwan yung babae na nakatulala.
Lakad lang kami ng lakad habang nakaakbay pa din sya sakin.
Naglakas loob akong magsalita.
“Uhhhhm.. Boyfriend?? San tayo pupunta??” tanong ko sa kanya
“Huh?? Anjan ka pa pala. Sorry.” sabi nya tapos tinanggal yung pagkakaakbay nya sakin tapos naglakad na pauna.
“Ahh! Wala yun Boyfriend!! Ikaw naman.. Hihihi.” Sabi ko naman habang humahabol sa kanya with matching pa-cute.
“Atsaka.. Wag mo na kong tawaging boyfriend. I just used you para makipagbreak dun sa makulit na babaeng yun.” sabi nya habang naka-pamulsa tapos nilagpasan na naman ako.
Tinignan ko na lang sya habang naglalakad sya palayo.
Ang cool nya. Sya na yata yung bad boy na madalas kong hilingin kay Lord.
Unang una, may hikaw, check. Then yung porma nya, he’s wearing a simple white na V-neck tapos may necklace sya na cross, definitely, he looks like a bad boy!! He’s so cool. I swear. I’m going to find you baby <3
*end of Flashback
“So ayun na yung nangyare?? Kinilig ka na dun?? Iniwan ka nga e!!! Ginamit ka!!! Anung kainlove inlove dun??” tanung nya.
“Hoy!! Di mo ba naiisip na sya ang soulmate ko!! Ang cool nya!! Swear!! At ang gwapo nya pa!! Pag nakita mo sya, baka hiwalayan mo si Brent!!” sabi ko
“ Asa neng!! Itulog mo nalang yan!! Haaaaay!! Antok na ko.”
“Teka!! Hindi ka ba talaga kinilig sa story ko?? Leche ka talaga.”
“Hinde!” sabi nya habang papunta sa kwarto.
Kainis talaga yung bruha na yun!
Kakilig kaya!! Di ba??
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girlfriend
Storie d'amoreNote: This is not a typical Badboy story where the bad boy will fall inlove with a good girl and will change for her or die for her or what so ever. This story is about blah blah blah. Just fucking read it if you want to know. If you don't, theeeen...