CHAPTER 21 -TheJealous GIRLFRIEND
Jeremae's POV
"Dito na ko mag aaral." sabi ni Brenda.
"Talaga? *O*" sabi nila na parang tuwang tuwa.
"Sis. Eto nga pala si Hansel, girlfriend ko." sabi ni Brent.
"Hi Sis!" sabi ni Hansel tapos niyakap nya si Brenda.
"Bestfrieeend!! Namiss kita!!" sabi ni Jade tapos niyakap nya din si Brenda. Kakaiba sya ngayon.
Di ba sya yung tipong one of the boys kumilos. Bakit parang naging sweet sya??
"Brenda beybe! Kamusta na?" tanong ni James tapos ginulo yung buhok ni Brenda.
"Hey! Yung buhok ko!!" sabi ni Brenda.
"Oh tama na yan!! Kumaen na tayo." singit ni Carlo.
Nagsiayos na sila ng upo.
Tiningnan ko si Brenda.
Tumingin sya kay Boyfriend tapos nagthumbs up.
Nginitian naman sya ni Boyfriend.
Okay.
Nagseselos ako!
Puro si Brenda yung usapan.
Puro si Brenda yung inaasikaso.
Brenda. Brenda. Brenda.
Nakakainis!
Tumayo ako.
Tumingin naman silang lahat sakin.
"Aalis na ko." sabi ko tapos naglakad na ko palabas ng caf.
Maya maya may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko.
Boyfriend.
Hinarap ko sya pero nagulat ako kase hindi pala si Boyfriend to.
So ibig sabihin hindi nya ko sinundan?
"Disappointed?" tanong nya.
Si Joshua.
Nginitian ko sya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girlfriend
RomanceNote: This is not a typical Badboy story where the bad boy will fall inlove with a good girl and will change for her or die for her or what so ever. This story is about blah blah blah. Just fucking read it if you want to know. If you don't, theeeen...