Chapter 4 - THE BAD BOY'S SON

316 8 0
                                        

CHAPTER 4 - The Bad Boy's Son

Jeremae's POV

"Waaaaaaah!! Kung nakita mo lang talaga yung muka nya!! Grabe nakakatakot sya.." sigaw ni Hansel sakin.

Kinukwento nya kung anu yung nagyari pagkatapos ng kissing scene namin ni boyfriend.

"Ehem! Lagot sakin yung babaeng yun pag nakita ko sya!! I'm gonna kill her!!!" sabi nya pa, impersonating the voice of my babe.

"Hahahahaha!! Talaga?? Oh my gosh!! Ayaaaan na. Magsisimula na yung love story namen!! Hahaha. Ganan yun e. Jan nagsisimula yun di ba? Mwahahahahaha." sabi ko.

"Sira ulo ka talaga. Hilig mo kasing magbasa ng wattpad e. Mga natututunan mo!! Tss. Wag ka mag assume. Di ka character sa fiction. Baka mapatay ka lang nya. Tsk! Tsk!" sabi nya tapos nagpunta na sya sa kwarto.

"Sinasabi ko sayo Hansel!! Itaga mo sa bato. Makakatuluyan ko sya!!" sabi ko

Kinabukasan, maaga akong pumasok.

Excited kase ako sa gagawin ni boyfriend. Hehehe. Malay mo gantihan ako ng kiss. Hihihi.

Oh my Gash!! Nikikilig ako :"""">

Kasoooooo..

Natapos ang araw na hindi manlang kami nagkita..

Tapos hangggang one week, hindi pa din kami nagkikita..

Kaasar!! Yung love story namen TT.TT

Nagyon, nasa seven eleven ako. Mag isa na naman. Si Hansel kase, di pa din nauwi. 9pm na kaya. Guton na ko. Di ko na matiis. Nalulungkot din ako kase one week ko nang di nakikita ang babe ko. Baka iniiwasan nya ko TT^TT

Maya maya, biglang bumuhos ang ulan.

Shit!! =____=

Mukang wala pang planong tumila. Tss.

Matawagan na nga lang si Hansel.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa then dinial ang number nya. Makalipas ang tatlong ring, sumagot na sya.

"Hello Jeremae?" sagot nya

"Hansel, may dala ka bang payong? Pwede bang daanan mo ko dito sa seven eleven pag uwi mo?" sabi ko

"Ha? Ah.. Eh.. Plano ko kasing dito matulog kala Brent e. Ayaw nya kase akong pauwiin." sabi nya

"Ahh. Ganun ba?? Sige. Magtataxi nalang ako. Kung meron. Hahahaha." sabi ko na kinakabahan.

The Bad Boy's GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon