Chapter 23 - HER PARENTS

158 7 0
                                    

CHAPTER 23 -Her Parents

Jeremae'sPOV

"Halika naaaa!" sabi ko habang hinihila si Boyfriend papasok sa bahay namin ni Hansel.

"T-teka.. Ano.. Ahhhh. Natatae ako. Tama! Natatae ako. Uuwi na ko." sabi nya habang inaalis yung pagkakakapit ko sa kanya.

"Boyfrieeeend namaaaaan. Andito na tayo!! Ngayon ka pa uurong??!" sabi ko sa kanya.

"E naman. Hindi ko kaya. Ayoko. Uuwi na kooo!" sabi nya.

Sabado na kasi ngayon at ito na yung araw na mami-meet nya ang parents ko.

Sinundo ko pa sya sa kanila kase nung tinawagan ko sya, sabi nya may sakit daw sya tapos pupunta daw syang ibang bansa.

Nataranta tuloy ako. Napasugod ako sa bahay nya at naabutan kong nanonood ng tv =______=

"Ehem!"

Napatingin kaming dalawa dun sa nag-ehem.

Si Papa. Tapos nasa tabi nya si Mommy. Nakatingin saming dalawa na napatigil sa paghihilahan.

Bigla naman nag-straight ng tayo si Boyfriend.

"Magandang Tanggali po!" sabi nya tapos sumaludo.

Matatawa na sana ko kaso napansin kong kumunot yung noo ni Mommy at Dad.

"Pumasok na kayo." sabi ni Dad tapos naglakad na papuntang loob.

*DUUUUUUG DUUUUUUG*

Ngayon lang ako kinabahan sa daddy ko. Huhu

Napatingin ako kay Boyfriend. Ang putla nya.

Nakashorts lang sya at simpleng t-shirt. Pambahay lang =______=

"Hoy Boyfriend! Naligo ka na ba?" tanong ko.

"Ehh.." sabi nya tapos nagkagmot ng batok.

Napa-face palm ako. Jusme =_____=

"Tara na nga." sabi ko tapos hinila ko sya papasok.

Hindi na sya umangal.

Naabutan namin ang parents ko na nakaupo sa couch.

"Boyfriend ko po." sabi ko.

"Yan ba? Ganan ba ang mga tipo mo? San mo ba napulot yan?!" sabi ni Dad.

The Bad Boy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon