Chapter 7 - HER REASON

279 8 0
                                    

CHAPTER 7 - Her Reason

Brian's POV

Isang linggo na..

Isang linggo ko nang di nakikita yung bwisit na babae. Wala nang maingay at nangungulit sakin. Nakakamiss din pala. JOKE!!

Andito ako ngayon sa cafeteria kasama yung mga kabarkada kong baliw, sina Brent, Carlo, James, Jade pati yung girlfriend ni Brent na hindi ko maalala yung pangalan.

"WAAAAAAH! TALO NA NAMAN AKO!! MADAYA KA JADE!!!" sigaw ni James

"DI AKO MADAYA WEAK KA LANG TALAGA!!" sagot naman ni Jade

=_____=

Laging ganan yang dalawang yan. 

Psh.

Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Carlo..

"Hansel.. Bakit di ko na nakikita si Jeremae?" sabi nya.

Napatingin ako kay Hansel na nakikipaglandian kay Brent tapos napatingin kay Carlo. =___=

"Ha? Si Jeremae? E kase.." sabi nya tapos tumingin sakin.

=______=

Anung pinapalabas nitong babaeng to?

Tsss.

Tumayo na ko tapos umalis.

Tss. Ou na. Kasalanan ko na. Tsk!!

Naglakad lakad lang ako sa school. Wala naman kase akong klase. Vacant ako ng dalawang oras.

Maya maya nakita ko si Jeremae.

May kausap na lalaki. Nag-ngingitian pa sila.

-___-++++

Jeremae's POV


"Ahh. Salamat Jeremae ah. Gusto moba itreat kita?" sabi sakin ni Michael, kaklase ko, nanghiram kasi sya ng notebook sakin e.

"Mmm.. Su--" naputol yung sasabihin ko kase may sumingit.

"GIRLFRIEND, kanina pa kita hinahanap." sabi nya tapos tiningnan ng masama si Michael.

"Ahh. M-may boyfriend ka na pala. Ha-Ha-Ha. A-alis na ko ah." sabi ni Michael tapos tumakbo paalis.

Kawawa naman. Mukang takot na takot. Hahaha

The Bad Boy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon