Chapter 2 - THE REASON WHY I HATE GOOD BOYS

330 9 3
                                    

CHAPTER 2 –  The reason why I hate good boys

 

Okay. One week ko nang hindi nakikita yung soulmate ko.

Nagstart na din kasi yung school. By the way, di ko pala nasabe, I am now in second year college and taking up BS Accountancy. At nagdodorm ako, malayo kasi yung bahay namin just like Hansel na kasalukuyang nakikipaglandian ngayon sa boyfriend nya.

Ewan ko ba jan, one week palang nanliligaw, sinagot agad. Wala nga akong tiwala jan sa Brent na yan. Tsk!!

“Baby pakiss naman oh!” sabi ni Brent

“Mmm.. Pag-iisipan ko lang. Wait! Sige na nga!! Mwaaaa :*” si Hansel

“Kadiri kayo!! Tumigil nga kayo =____=” sabi ko sa kanila. Kabadtrip kase nasa likod nila ko tapos maghahalikan sila. Bwisit kasi tong Brent na to, sinundo pa si Hansel. Pero okay lang nakalibre naman ako ng pamasahe. Bwahahaha.

“BITTEEEEEEER!!” sabay nilang sabe habang nakalingon sakin with matching dila pa. Kaasar =___=

“Tssss. Di kaya ako bitter.” sabi ko tapos iniwas ko yung tingin ko.

Bigla akong may napansin.

Shit!

Anung ginagawa nya dito??

Si Carlo Adrian Mendoza.

My first love.

Ang gwapo nya pa din.

Di ko namalayan na nakakatitig na pala ako sa kanya.

Maya maya bigla syang lumingon.

Double Shit!

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya pero..

“Jeremae!!” sigaw nya.

Lumingon naman ako ulit tapos ngumiti.

Tumayo sya dun sa kinauupuan nya.

Please wag kang lalapit. Please please please.

“Jeremae, kamusta?” lumapit sya =____=

“Ahh okay lang!! Sorry may klase pa kasi ako e.” sabi ko tapos nagsimula na kong maglakad.

“Galit ka pa din ba sakin?” tanong nya.

“HAHAHAHAHA!!” tumawa ako. A sarcastic laugh.

“B-bakit? Anong nakakatawa?” tanong nya na mukang naguguluhan.

“Bakit naman ako magagalit sayo e ni-Friendzoned mo lang naman ako?! HAHAHAHA! You’re so funny!” sabi ko tapos tumalikod na ko bago pa tumulo yung luha ko.

As what I’ve said, Carlo was my first love.

Nasa kanya na lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Gwapo, mabaet, matalino, mayaman, gentleman, sweet, respectful. Perfect boyfriend kumbaga. Para syang Prince Charming. That’s why I fell inlove with him.

Yung pag-care at pag-aalaga nya, yung pagiging gentleman at mabait nya, lahat  yun na-misinterpret ko. Akala ko sweet at gentleman sya sakin kase mahal nya ko. Di ko alam na ganun pala sya sa lahat ng babae. And the day I confessed to him, he told me, “Sorry Jeremae, friend lang tingin ko sayo.”

I was fourth year highschool by that time. Since then, I hated guys, specially the good and the ideal guys.

Hindi ko napansin na may pumatak na luha sa mata ko.

It still hurts.

Pinunasan ko yung luha ko then suddenly..

“Jeremae!! San ka ba nagpunta??” napatingin ako sa nagsalita.

Si Hansel.

Nginitian ko sya para di nya mahalata na umiyak ako.

“Kadiri kasi kayo ni Brent e! Humiwalay na ko.” Sabi ko tapos nagpout.

“Tss. Kadiri. Wag ka magpout! Tara na nga. Wala daw klase. Punta tayo sa cafeteria. Papakilala ako ni Brent sa mga kabarkada nya, galing sa ibang school na nagtransfer dito.” Sabi ni Hansel na tuwang tuwa.

“Ikaw nalang!” sabi ko.

  

“Arte mo talaga!!” sabi nya tapos hinila nya ko.

The Bad Boy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon