Chapter 3 - THEY MET AGAIN

307 8 0
                                    

CHAPTER 3 – They met again

                                   

“Aray ko!! Bwisit ka Hansel!!” hila hila nya pa din ako kahit nasa loob na kami ng cafeteria.

“Baby!!” tawag ni Brent.

Napansin ko naman na nagtinginan yung mga babae sa iba’t ibang table. Malamang madaming baby yan date. Playboy yan e. Pero sabi nya seryoso na daw sya kay Hansel. Ewan ko lang din, wala pa din akong tiwala.

Lumapit kami sa table nila.

May isang lalaki at isang babaeng nakaupo.

“Baby, wala pa sila Brian at Adrian e. Wait lang ah. Upo ka na.” sabi ni Brent.

“Kasama ko si Jeremae.” Sabi naman ni Hansel.

“Jeremae upo ka na din.” Sabi ni Brent.

Hindi naman umiimik yung babae at lalaki  sa table. Nagtatablet lang sila.

“Yeeeeeeaaaaah!! Talo ka!! Bobo mo!!” biglang sigaw nung babae.

“Madaya ka!!” Sabi naman nung lalaki.

“Hoy!! Andito na ang girlfriend ko!!” sabi ni Brent.

Napatingin naman yung dalawa kay Brent tapos tumingn sakin.

“Ay sorry!!Hello girlfriend ni Brent!! Ako nga pala si James!!” sabi nung lalaki tapos kinamayan ako.

??__??

*PAK!

Binatukan ni Brent si James.

“Tanga! Eto girlfriend ko.” Sabi ni Brent tapos tinuro si Hansel.

“Ayy sorry naman!! Hi!” sabi naman nung James habang nakaharap kay Hansel.

“Hi ^___^” bati ni Hansel

“Eh sinu naman to?? Girlfriend mo din??” tanong nung babae habang nakaturo sakin.

“Ah! Hinde Jade! Bestfriend yan ni Hansel.” Sabi ni Brent.

“Sinu si Hansel??” tanong ni James.

Malapit na ko mapa-face palm. Hahaha. Ang kuleeet.

“Ewan ko sayo!” sabi ni Brent tapos naupo na sya sa tabi ni Hansel.

Nasa gitna namin si Hansel. Tapos may bakanteng upuan sa tabi ko. Tapos nasa harap ko si James sa harap ni Hansel yung Jade ata :3

The Bad Boy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon