Chapter 16 - AND?

228 6 0
                                        

CHAPTER 16 - And?

Brian's POV


"Ayan na naman sya mga pare!!"

"Ngumingiti na naman mag-isa.."

"Anu bang ginawa ni Jeremae sa kanya??!"

"Huh?? Si Jeremae? Nasaan?" sabi ko tapos tumingin ako sa pinto.

Wala naman si Jeremae dun e.

Tumingin ako dun sa tatlo, sina Carlo, James at Brent. Nandito kami ngayon sa bahay ko. Magpaplano na naman daw kami dahil isang linggo na kong nanliligaw kay Jeremae at hindi nya pa din ako sinasagot =______=

"Pre umamin ka nga!!" sabi ni James.

"ANO??!" sigaw ko.

"OO INLOVE YAN!!" sigaw ni Brent.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Makatingin naman to!! Talaga naman. Yung Brian na ngumingiti lang pag may masamang pinaplano, ngayon ngumingiti pang mag-isa." sabi niya pa.

"Hindi ako inlove.." sabi ko na parang kinukumbinsi ang sarili ko.

"Sus. Wag mong sabihing hindi ka pa din nakakamove on kay Brenda. Hahahaha!" sabi ni James.

Napatahimik naman kaming lahat.

Ilang sigundo din walang umimik.

"JOKE!!" sabi ni James tapos nag-peace sign.

"TSS." ako

Brenda..

Haaaaaaaaay.

"Hahaha. Alam ko na!" sabi ni Carlo.

"Huh?" tanong naming tatlo.

"Harana!" sabi pa nya.

"Huh?" tanong ulit.

"Haranahin mo si Jeremae para sagutin ka na nya!!" sabi pa nya.

"Ayun ba ginawa mo para mapasagot si ----"

*PAK!

Di natuloy yung sasabihin ni James. Binatukan kasi sya ni Brent.

"AYOKO! ANG KORNI! =_____=" sabi ko.

Tapos tumayo ako.

The Bad Boy's GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon