Chapter 26 - DRUNK

182 6 1
                                    

CHAPTER 26 - Drunk

Jeremae's POV

"Grabe. Ang dami ko nang chicks. Hindi na talaga ako one of the boys. Yeeeeeaah!" sigaw ni Jade.

"Hahaha. Magkasing dami na tayo at yung boys. Couple couple pa tayo." sabi naman ni Brenda.

"Sa wakas may love life na si Jaaaade!" sigaw ni Hansel.

Andito kaming apat sa mall at nag-gagala.

Yung mga boyfriend namin? Andun nagdodota.

Okay lang naman. Kelangan din naming mga girls ng quality time. Hehehe.

Pumasok kami sa parlor at napalinis ng kuko.

"Jeremae, anu nga palang plano mo para sa monthsary nyo ni Brian? Malapit na yun di ba?" tanong ni Hansel.

HUH?

Monthsary? Uso pa ba yun?

"Wow. Magma-monthsary na kayo ni Bryyy?" tanong ni Brenda.

"Arrg! Wag mo syang tawaging Bryyy. Nakakairita! =___=" sabi ko.

"Edi hinde. Selosa!" sagot ni Brenda.

"Magplano tayo! Isurprise mo siya!" sabi ni Jade.

"Ayoko." sabi ko.

Kelangan pa ba icelebrate ang monthsary?

Gusto ko anniversary lang ang icecelebrate namin.

"Anu ka ba! Kahit itong first monthsary lang ang icelebrate nyo! Biruin mo yun, tumagal kayo! Hahahaha." sabi ni Brenda.

"Sira ka! Pangmatagalan ang relasyon namin!! Hindi pang months lang!" sabi ko.

"Ou nga Jeremae, isurprise mo na si Brian. Kami nga ni Brent nagcelebrate pa ng minutesary e." sabi ni Hansel.

Reaction naming tatlo:

=_______=

"Seryoso? Minutesary?? HAHAHAHAHA." biglang tawa ni Brenda.

"HAHAHAHA. Dapat nagcelebrate na din kayo ng secondsary." sabi ni Jade.

"Ang baduy =____=" sabi ko.

"Sira! Basta isurprise mo sya!! Kikiligin yun. HAHAHA!" sabi ni Hansel

*O*

Kikiligin si Boyfriend??

The Bad Boy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon