dos.

1K 33 1
                                    

"Pinagtitinginan sila Marco doon sa labas ng Watsons..." ani Ayel na tila giraffe kalilingon sa mga kaibigan namin sa labas ng Watsons.

Sumulyap ako sa direksyong tinitignan niya at nagkibit balikat. "E, bakit ayaw nilang pumasok?"

Agad akong nilingon ni Ayel nang nakakunot ang noo. "E, 'yang si Jeron!" iritado niyang saad. "Ayaw pumasok, edi ayan, hindi sila pumasok lahat!"

Tumawa ako. "O, bakit inis na inis ka?"

"Wala!" irap niya sa akin sabay pili ulit ng pangkilay niya sa rack. Kilay is life si Ayel, e. Naalala ko tuloy tuwing may nakakasalubong kaming mga professor, napapansin ang pak na pak niyang kilay.

Pagkatapos naming mamili sa Watsons, dumiretso kami sa isang fastfood para sa lunch. Tuwing Wednesday kasi, sabay-sabay ang schedule namin sa lunch kaya nakakapagkita kami.

Buti na nga lang, washday kapag Wednesday. Mas madaling nakakapaglakwatsa. Kapag kasi nakauniform, minsan sinisita kami ng mga professors na makakakita sa amin. Bawal daw kasi gumala ng nakauniform. Anila masiyado daw kaming prone sa kidnapping kasi sikat ang school namin at kung gaano kalaki ang tuition. I doubt it.

"Mag-fries ka sa fillet mo?" tanong ni Marco na kinukuha ang order ko. "Coffee float?"

Umiling ako.

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Sure?"

"Ay! Mag-fries ako pero water lang." bawi ko.

Tumango siya at umalis na. Sumunod sa ibang lalaki na umorder.

Kaming dalawa ni Ayel ang naiwan. Si Jeron ang nanguha ng order niya. Gigil na gigil si Jeron kanina sa kanya dahil ang tagal niya raw. Binalik ni Ayel 'yong gigil ni Jeron kaya ayun, hindi sila nagpapansinan.

"May chance kayo ni Marco, 'no..." bulong ni Ayel sa akin.

Ngumiwi ako. "Salaula ka, Ayel! Tapos na ko sa phase ko kay Marco."

Humalakhak siya. "Feeling ko lang naman."

"Gago. Ganyan din sinabi mo sa amin ni Luigi. Lahat na lang Ayel, e. May barkada code nga." utas ko.

Umirap siya. Mahilig talaga 'to umirap. "Sobrang cute niyo ni Luigi! Like..." Pinaypayan niya ang sarili niya. "Kung makikita mo lang 'yong itsura niyo dati. Girl!"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. "Hindi ko ma-imagine, gaga." tawa ko. "Pero nakwento ko na ba 'yong guy na na-meet ko sa bar noong nagperform si Marco?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi pa? Sino?"

Magsasalita na sana ako nang isa-isa na silang bumalik sa mesa namin. Nilapag nila ang tray na may order sa mesa kaya naagaw noon ang atensyon ko. I'm hungry!

"Huy," Kinalabit ako ni Ayel. "Sino nga? Gwapo ba?"

"Ano na naman 'yang gwapo na 'yan?" singit ni Luigi.

Nilingon ko si Ayel. "Mamaya ko kuwento. Paalala mo."

Nag-umpisa kami kumain. Maingay ang mesa namin dahil nagkabangayan na naman si Jeron at Ayel.

"Sabi ko kasi coke float!" ani Ayel pero sumipsip pa rin sa coffee float na nasa harap niya.

Nagkamot ng batok si Jeron. "Sorry na. Akala ko ikaw 'yong mahilig sa coffee float sa grupo natin, e."

Nanlisik ang mga mata ni Ayel. "Talaga, Jer? Sa tatlong taon, Jer?"

"Tama na, uy. Nasa harap ng pagkain, e." pagbabawal ni Rolann sa kanilang dalawa.

"Oo nga, 'no, Ra? Bakit hindi ka nag-order ng coffee float ngayon?" usisa ni Luigi sa akin na nasa harap ko.

Umiling ako. "Wala lang. Dadaan akong Starbucks mamaya bago pumuntang school."

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon