diezinueve.

520 33 10
                                    

"Azalea," biglang tawag ni Adrian sa akin. Niyaya niya akong lumabas kasama ang ilan naming kaklase para kumain at magsine. Isang romantic drama film ang napili naming panoorin. Umiiyak ngayon ang bidang babae sa palabas habang nasa gilid ng riles ng tren. "I like you."

Natigil ang pagkain ko sa popcorn at nanatili ang mga mata sa kaniya na nasa kanan ko. Wala akong katabi sa kaliwa. "Huh?"

Ngumisi siya at mas nilapit ang bibig sa aking tenga para bumulong. "Sabi ko, gusto kita."

"Pero-" Kumunot ang noo ko at sinulyapan si Patrice na nasa kabilang gilid niya. "'Di ba girlfriend mo siya?" mahina ko ring sinabi.

"Hindi, Az..." Mabilis niyang sinagot. "She is just a friend."

"Hindi, Adi. Crush ka niya..."

He chuckled. "Ang cute mo."

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kung kanina, wala akong nararamdaman dahil sa gulat, ngayon ay gusto ko ng tumakbo dahil sa kaba at... tuwa. "Baka magalit siya. Niloloko mo lang yata ako."

"Bakit naman kita lolokohin ng ganoon?" Matigas niyang tanong sa akin.

"Bakit ako?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti.

"Maraming reason, Az. You are... the best thing happened in my llife. In everyone's lives." paliwanag niya. "I don't know. You inspire me a lot. Lahat ng gagawin ko sa school, sa sports, para sa'yo. Kasi I wanna be good for you." Huminga siya nang malalim. "Az, just please give me a chance to prove myself to you. I like you so much."

That day, I was drowned.

Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko sa sumunod na araw, gusto ko na pumuntang Quiapo para magrosaryo. Para akong nakalutang at walang iniindang mga problema. Malaki ang ngiti ko pagpasok pa lang sa opisina nang dumating ang Lunes na agad naman napansin ng mga kasama ko. Tinawanan ko lang sila at binati para sa mas magandang araw. Kahit na late na naman ako.

"Tama na ngiti, hija," pigil ng isang babaeng senior ko sa trabaho. "Ilang beses na 'yang late mo. Paulit-ulit na lang. Hindi dahil kilala mo ang president ay malaya ka ng aasta ng ganyan," sermon niya. "Pinapatawag ka sa office ni Madame. Sabihin ko raw iyan sa iyo pagdating mo."

Nawala na parang bula ang tuwa ko dahil sa sinabi niya. Tumango na lang ako mabagal na naglakad papunta sa pribadong opisina ni Madame Velarde. Mabigat ang bawat hakbang ko at napupuno ang isip ko ng iba't ibang ideya kung bakit ako pinatawag.

"Miss, si Madame?" tanong ko sa isang bababeng sekretariya.

"Ah! Ma'am Mallari?"

Tumango ako at iginiya niya ako patungo roon. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at tinanong kung gusto ko ba ng kape o tsaa. Plano niya pa yata akong patagalin dito.

"Ah, hindi na. Salamat." Iyon ang tugon ko bago tuluyang nagmartsa sa receiving area.

Ngumiti ang nanay ni Vinson – si Ma'am Velarde nang nakita ako. Ano ba, Rayne. You must address her in formal way! Nasa trabaho kayo, okay.

"Rayne." Nagagalak niyang sinabi kaya naisip kong safe na ako. "Kumusta?"

"Uh," Or not yet. Ang dami pa yatang tanong. "Ayos naman po, M-Ma'am. I have adjusted with the workplace po and your employees are nice. The experience is very enriching."

Tumango-tango siya. "That is good to hear."

Tumikhim ako habang sumisimsim siya ng kanyang kape mula sa isang mamahaling coffee shop. Napalinga tuloy ako sa paligid. Her office is like Vince's taste. The minimilastic interior and furnitures... everything. Para bang hinanda na ito para sa kanya. O talagang pareho lang sila ng gustong design? O baka naman... ibibigay talaga sa kanya ito?

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon