cince.

796 43 11
                                    

"Pupunta ka rito!?" pasigaw na tanong ni Vinson sa akin sa kabilang linya ng telepono.

"Oo nga–"

"Bakit ka pupunta rito?" Narinig ko ang taranta sa boses niya. May mga kaluskos din ng mga kung ano sa background. May nahulog pa yatang babasagin.

"Wala lang. To chill?" sagot ko at nginitian ang security guard ng building. "Actually, nandito na nga ako, e. Pasakay na ng elevator."

"What?" Gulat na gulat pa rin siya na ikinatawa ko.

"Yup, sige, bye na muna." paalam ko at ibinaba ang tawag.

Umiling ako at pumasok na sa elevator. Pinindot ko ang tamang floor. May nakasabay akong pamilyar na lalaki sa pagsakay. Busy siya sa pagtitipa sa cellphone niya kaya hindi ko masyado makita ang itsura. Pero tingin ko, nakita ko na talaga siya noon.

Anyway, ano kayang problema ni Vinson at mukhang wala siya sa sarili niya? Mukhang gulat na gulat sa mga pangyayari, e. Siguro may babaeng inuwi 'yon kaya ganoon loob — which has low probability to happen.

Dahil alam ko ang passcode ng condo unit niya, tuloy-tuloy lang ako. Alam niya namang pupunta ako kaya kung may babae siya sa loob, baka umalis na 'yon.

Nang bumukas ang pinto, bumungad sa akin ang isang Vinson Velarde na pawis na pawis sa white shirt at short habang naglilinis. May hawak siyang vacuum at may mga balat ng healthy chips sa coffee table.

Nagkatinginan kami at inosente siyang ngumiti sa akin. "Hi."

Sinarado ko ang pinto at pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Naalala ko kung gaano ko pinuri ang unit niya dahil sobrang malinis at maayos.

Pero bakit ngayon... Napangiwi ako. Parang gusto ko ng bawiin lahat ng sinabi ko dati. Para kasing kumalat at dumumi?

"Hey, I know my place is a disaster! Don't look at me like that. You're judging me," Lumabi siya at pinagpatuloy ang pagpupulot ng mga kalat sa living room.

Siguro naman dito lang makalat, 'no?

Tumawa ako at umupo sa couch. "Bakit noong una kong punta, ang linis, Vince?"

Inirapan niya ako. The nerve! "Because I know you're coming. While today, you just hit my phone when you're already at the lobby."

Mas lalo akong humalakhak. "Parang tanga 'to. Kaya ka nagmamadali sa phone?" Tumayo ako at tinulungan siya maglinis. "Alam mo, ang pakitang-tao mo."

"Don't call me pretentious. I just want my place to be presentable when you come over." Nakapamaywang niyang sinabi habang pinapanood ako magvacuum.

Nagkibit balikat ako.

"So why are you here?" I heard Vinson asked me and slammed himself on the couch.

"I told you. To chill," simpleng sagot ko at tinigilan na ang vacuum. Nakahalukipkip kong hinarap si Vinson.

"I doubt it," Nanliit ang mga mata niya sa akin.

"What?" I chuckled.

He checked the time on his wristwatch. "It's lunch time. Where do you wanna eat?"

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon