diezisiete.

927 36 1
                                    

I really did not sleep well after what happened yesterday. Sinamahan pa iyon ng isang panaginip na pamilyar na sa akin. Again, I dreamed about Adrian killing me and I was saved by the man, Luke.

Umuwi ako nang mag-isa kagabi. Hindi ko na inabala pa ang mga kaibigan ko para sumundo sa akin dahil alam kong may sariling buhay rin sila. Malamang may mga ginagawa ang mga iyon.

Pagkatapos ko na maligo at mag-umagahan nakita ang cellphone ko. It was flooded by missed calls and unread messages. Pinakamarami ang kay Vinson doon. Tulad ng sinabi niya sa huling text, tumawag ako sa kanya kapag nabasa ko ang mga mensahe niya.

"Hello?" His voice is groggy. Seems like he just woke up. Hindi niya pa yata alam na ako ang tumatawag, e. Basta sinagot na lang. Nasanay na yata sa madalas na pagtawag sa kanya ng ospital.

"Nagising ba kita? I'll call you later na lang."

"Rayne!" He gasped. "How are you? Where are you? Are you hurt?"

I chuckled. "I'm fine, Vince. Sa hospital ka ba natulog? Get some more sleep."

"No, I'm at my condo."

Tumango ako kahit hindi niya nakita. "Wala kang pasok?"

"Wala," Huminga siya nang malalim. "Nasaan ka? Do you want to go out today?"

I put Vinson's call in speaker para maayos ko na ang mga gamit ko sa trabaho. "What time ba?"

"Anong oras ka ba matatapos?" balik niyang tanong sa akin.

"Hmm, maybe 5 na," sagot ko habang nilalagay ang laptop sa bag.

"Okay, baby, I'm gonna pick you at 5."

Natapos ang tawag dahil malapit na ang oras ko sa trabaho. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta, basta mag-chill lang daw. Kahit ganoon ang boses niya sa tawag, tingin ko mapagsasabihan pa rin ako ng lalaking iyon tungkol sa kagabi.

Sa kumpanya nila Vinson ako pumapasok sa trabaho. Wala pa rin kasi akong nahahanap na bakante sa ibang kumpanya na gusto ko talaga. Ayos naman dito pero araw-araw ko kasing nakikita 'yung nanay ni Vinson. Best friends na nga kami, e. Iyon nga lang, iba 'yung pressure na nararamdaman ko.

"Late ka yata," bati sa akin ng office mate kong si Iya. Magkatabi ang cubicle naming dalawa dahil pareho kaming bago. "Hinahanap ka ni Madame Velarde kanina."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ba?"

Tumawa siya. "Biro lang. Absent yata iyon ngayon."

Nakahinga ako nang maluwag. "Bakit daw?"

Tinapunan niya ako ng isang blankong tingin. "Malalaman ko pa ba 'yon, Rayne? Ikaw na magtanong. Close kayo, e."

Inirapan ko siya sa asar niya.

"Mother-in-law," dagdag niya saka tumawa.

Sa araw-araw na pumapasok at dumadaan ang nanay ni Vinson sa harap ko, binabati niya ako. Minsan tinatanong pa sa akin ang anak niya kaya nalaman tuloy ng mga tao rito na may kapit ako sa kapangyarihan ng nito. Kahit wala naman talaga. Pinagalitan na ako ng nanay ni Vinson, 'no!

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon