veintiuno.

114 6 1
                                    

"Azalea!"

Isang umaga, pagpasok ko ng klase, sabik akong tinawag ni Adrian. Nasa tabi siya ng upuan ko at may hawak-hawak siyang papel. Inilapag ko ang bag ko sa upuan bago ako umupo.

"Look," aniya sabay lahad ng isang imbitasyon. "My birthday is on the coming Saturday next week!"

Kulay green ang imbitasyon na iyon. He's turning eighteen. Sa unahan ay mababasa lang doon na "You're invited!" at pagbukas, doon pa lang makikita ang detalye ng selebrasyon.

"Not everyone is invited?" tanong ko habang binabasa ang mga nakasulat.

Sa bahay lang nila gaganapin ang kaarawan niya at gabi 'yon kaya hindi ko alam kung papayagan ako. Hindi rin naman alam ng mga magulang ko ang tungkol kay Adrian. Nakukwento ko siya pero bilang kaibigan. Kaklase. Because that's what we are, right?

At saka, hindi consistent ang feelings ko para sa kanya. May mga ugaling hindi ko gusto kaya hindi ko rin kayang dumating sa punto ng relasyon na iyon. Masyado pang maaga.

"Uh, may mga iba pa kasing imbitado na kaibigan din ni Kuya, na kaibigan ko rin." sagot niya sa akin. "Gusto rin kasi nina Mommy na kaunti lang ang pupunta. The most important ones, lalo na sa bahay lang."

Tumango-tango ako. Totoo naman siguro 'yon. Mayaman sina Adrian at kilala ang pamilya nila sa mga negosyo sa Ylletriza. Pool party kaya hindi rin naman siguro tama kung mag-imbita ng marami? Hindi ko alam sa mga mayayaman. May sarili silang mundo minsan, e.

"RSVP 'yan, I mean, walang seat dahil we will be by the pool pero kailangan ipakita sa guard ng bahay para papasukin ka. Or just message me, susunduin kita sa gate."

I nodded with what he said at nag-isip pa ng mga itatanong.

Wait.

Pool party? Wala akong isusuot!

Napangiwi ako. I don't have any good attire for pool parties.

"May problema ba, Az?" tanong niyang muli at hinawakan ang siko ko para maibaling ang atensyon sa kanya.

"Kailangan ba ng swimsuit? Two piece?"

Humalakhak siya. "Hindi naman, Azalea. Kung maliligo ka lang ganoon, pero hindi required na two piece. But..." Kumunot ang noo niya. "Do not wear a two piece, okay? May mga kaibigan si Kuya roon. Ayaw kong mabastos ka."

Tumaas ang kilay ko sa mga salita niya. Pinagbabawalan niya ako? Umiling ako. Iyan ang isang ayaw ko sa ugali niya. Pero naghahagikgikan sila tuwing may nakikita sila sa social media na sexy na babae.

"Anyway, Az, don't worry. Your close friends are invited. It would be definitely fun," ngiti niya sa akin.

That's what I thought too.

Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko. Hindi ko alam kung makakafunction ba ako nang maayos para sa araw na ito. Nakakainis dahil ginugulo ako ng isip ko sa mga panaginip na 'yon. Maapektuhan lang noon ang pagtitiwala ko sa mga tao. Sa lahat ng tao.

When I think of Vinson, it would be rarely a negative idea.

Pero iba ngayon. Ang daming what ifs. Sa bigat ng puso ko, nadadamay ang utak ko. Everything feels empty. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang nakaraang iyon.

Closure?

No closure will be enough to forget everything happened that night. No fucking thing will be.

Isa pa, hindi ko pa rin nareresolba kung anong importansya ng Luke na iyon sa mga panaginip ko. Why is he always there? Who is he? I have never meet someone named Luke, bukod kay Adrian at kay Vinson.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon