catorce.

770 34 0
                                    

I never liked the freaky smell of the hospital. As in never.

Bilang pa sa daliri kung ilang beses ako pumasok sa ospital sa buong buhay ko. Siguro kung hindi sa mga pilit na pagbisita sa mga doctor, hindi ko mararanasan na tumapak sa ganitong establisimento.

At bakit ako narito ngayon?

Dahil sa nanay ni Vinson.

Sobrang stress daw sa trabaho nang mga nakaraang araw kaya nagkasakit. Siyempre dahil pabida at tsismosa nga ako, sumama ako kay Vinson sa pagbisita sa nanay niya. Kidding aside, siyempre concern din ako kay Tita Miranda. Nagdala pa akong prutas para sa kanya.

Hindi naman ganoon kalala 'yung dumapong sakit sa kanya. Sadyang mayaman lang talaga ang pamilya nila para dalhin si Tita Miranda kahit flu 'yung sakit niya. Pero siyempre, mabuti na rin 'yung sigurado.

"Ikaw kasi Ma, bakit hindi ka magpahinga?" iritadong tanong ni Vinson. "Hindi naman tayo mauubusan ng pera."

Nanghihinang tumawa si Tita Miranda. "Nagpapahinga naman ako, Vin. Sadyang na-virus lang!" Bumaling siya sa akin. "'Di ba, Rayne?"

Ngumiti ako at hinayaan silang mag-usap. Nakatayo at nakahalukipkip si Vinson sa tabi ng kama ng nanay niya. Salubong ang kilay at halatang hindi gusto ang mga nangyayari. Ako naman ay nakaupo sa couch na pang-bisita.

"Kahit na, Ma. Working too much is a variable, too," pagpilit ni Vinson at sinisimulan na naman ang Vinson's dictionary slash reference niya. "Aside from the environment, there is still a chance for the other factors. Let's say 40 percent probability—"

"Vince, anak," Nakahinga ako nang maluwag dahil pinigilan siya ni Tita Miranda. Akala ko sasabog na 'yung utak ko, e! "Lalo akong nagkakasakit sa sinasabi mo."

Vinson chuckled. "I am just worried."

"Ayos naman ba kayo ng anak ko, hija? Hindi ka ba pinapahirapan?"

Hindi ako tinantanan ni Tita Miranda at lalo pa akong pinaulanan ng mga tanong. Gusto kong sabihin na naririndi na rin ako sa mga impromptu speech niya pero pinili ko na lang maging tahimik.

Umiling ako at mahinang tumawa. Kapag kaharap ko talaga ang pamilya ni Vince, wala akong nasasabi, e. Palakas pa, Rayne, 'no.

Maya-maya may pumasok na nurse. Nakita ko agad ang mga dala niyang injection at namilog ang mga mata ko. Parang babaliktad ang sikmura ko dahil may dala siyang mga tube na may mga sample ng dugo.

"Ma'am, kukunan ko lang po kayo ng dugo," anang nurse na mas nagpakaba sa akin.

Tumayo ako at agad na lumapit kay Vinson na tinutulungang umupo ang nanay niya.

Alam ko bago ma-admit, doon kinukuhanan ng dugo! Bakit si Tita Miranda ngayon pa lang? At kung kailan nandito pa ang duwag na si Azalea Rayne?

"Vince, aalis muna ako," bulong ko. Tinatalian na ngayon ang braso ni Tita Miranda kaya hindi ako mapakali. I need to go out before I throw up!

Nilingon ako ni Vinson at tamad na tumingin sa akin. "Why?"

"Basta," I faked a smile and glanced at the nurse. Sumasakit na 'yung tiyan ko, Vince.

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon