siete.

774 32 3
                                    

Kaya naman nang magbakasyon, naburyo ako sa probinsya namin. Marami naman pupwedeng puntahan pero parang hindi na ako natutuwa roon. Siguro dahil sanay na ako sa ganoong tanawin. Isa pa, wala naman akong kasama.

Araw-araw, siguradong tadtad na ng utos mula sa pamilya ko. Lalo na sa nanay at tatay kong pinasa na yata sa akin ang korona ng hardware namin. Hindi talaga ako prinsesa. Preso lang talaga na nagawang kumawala pagdating sa Manila.

"Ate, ano pong basa rito?" tanong ni Zyren, 'yong batang nakatoka sa akin para turuan.

Tuwing Sabado, dumadaan ako sa isang Day Care Center para tumulong doon. Medyo lang sa pinansyal kasi hindi pa yata kaya ng trust fund ko iyon. Marami pang kailangan hantungan ang perang iyon bago ako tuluyan makatulong sa pera. I choose to help by workforce. Tulad na lang ng linggo-linggong paglilinis.

Pero malayo ang nangyari ngayon. Nakatoka ako sa isang bata.

Grade three na si Zyren pero medyo mabagal pa magbasa kaya pinasok siya sa remedial classes. Kalahating araw silang narito. Well, ayaw ko talaga sa bata. Pakiramdam ko kasi ako ang kailangan mag-adjust sa pagiging sensitive nila. Lalo na kapag baby, tapos makakasabay mo sa tren o kaya bus. Naku!

May mga kasabayan akong kaedaran ko rin na nagtatrabaho pero hindi ko kakilala. Pero ayos naman dahil unti-unti kaming naging magkakaibigan. Isa pa, kasama ko 'yong isang pinsan ko si Kuya Marvin — mas matanda sa akin ng isang taon.

"Ka-text na naman ni Darren 'yong jowa niya, oh." sundot ni Ate Juliet sa kasama namin.

Humagikgik si Darren. "Inggit ka lang kasi wala kang boyfriend."

"Hoy, may kalandian ako ngayon! Sabi pa nga sa horoscope ko, isipin ko raw kung sino makakadate ko sa birthday ko! Kilala ko nga raw 'yon, e, basta isipin ko lang." paliwanag niya sabay irap. "Itong baklang 'to, matabil ang dila."

Tumawa si Ate Danna. "Oo, Chunchet. Isipin mo lang raw. Isipin mo nang isipin..."

Minura ni Ate Juliet si Ate Danna na nagpatawa sa aming lahat. Break time kasi ng mga bata kaya malaya rin kaming magkuwentuhan.

"O tatawa-tawa ka riyan..." anang pinsan kong si Kuya Marvin.

"In-add ko 'yan si Rayne sa Facebook! Manila girl ka pala, 'no?" usisa ni Darren.

Marahan akong tumango.

"Oh!? Nice! Ano mayroon sa Manila, Rayne? RK naman pala 'to, bakit naghahanap pang part time job..." singit ni Ate Cynthia.

Umiling ako at walang sinabi. I feel so awkward when they are asking about my life. And maybe Darren stalked me on Facebook.

"Eto pa. Eto pa. Ang dami niyang kaibigan gwapo!" hirit niya na mas nagpagulat sa mga kasama namin. Mas nagtanong sila tungkol doon. Kung totoo ba na maraming gwapo sa Manila, maraming night club, masaya at marami pang iba.

"Sila Luigi barkada niya 'yon. Sila Rolann? Ayun." banggit pa ni Darren.

My friends are kinda famous in Ylletriza, too. Si Luigi sikat 'yon kasi sumasali sa mga contest kapag Intramurals. Si Rolann naman miyembro ng dance troupe sa school. Tapos si Jeron... kaibigan ni Luigi.

"Weh? Crush ko si Luigi dati!" ani Angelica. Ngumuso siya. "Kaso 'di ba sila nung taga-section C? Ang sweet nga nila. Pero nagbreak na yata sila ngayon. Tama ba?"

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon